Takas

118 11 4
                                    

Takas


Takas, iwas, takbo, saan ka patungo?
gulo, blanko, lito, ano ba ang nasa isip mo?
sakit, pighati, agam, ganito din ba ang laman ng puso?

aral, kurso, trabaho, ito ba ang mga rason mo?
pamilya, pera, oras, ganito ba kaproblemado?
sinta, irog, pagkadurog, pati ba ang puso nakikiuso?

inom, sigarilyo, bulakbol, ito na ba ang solusyon mo?
payo, kaibigan, sandalan, mabubuksan pa ba ang puso?
pag-asa, liwanag, dasal, huli na ba para sayo?

War of Writing OutbreakWhere stories live. Discover now