Takas

105 8 6
                                    

TAKAS

"Paano magiging maayos yang buhay mo? Hindi ka marunong makinig sa akin, paano ka pagpapalain ng Diyos, Kung pati akong magulang mo hindi mo pinakikinggan. Maging mabuti ka munang anak, sundin mo muna ako bago ka sumuway. Para wala kang pagsisihan."

Mga litanyang paulit-ulit na lang lumalabas sa bibig ng Mama ko, sa tuwing may nagawa akong hindi maganda. Kailan nga ba ako hindi nagkamali sa paningin niya? Kailan nga ba? Kahit nga siguro para rin sa kanila ang ginagawa ko. Magiging mali pa rin dahil hindi yon ang gusto nila. At sa pagkakataong ito, may mali na naman ako sa mata niya. Yon ay dahil pinaalam kong baka magkulang ang bigay ko sa sahod, dahil idadagdag ko ito sa pagbili ng laptop. Laptop para sa pagsusulat.

"Gusto ko lang naman tuparin ang pangarap ko. Hindi naman siguro masama kung pagbigyan ko naman ang sarili ko." Reklamo ko kay Mama.

"Anong pangarap? Yang pagsusulat mo? Bakit sisikat ka ba diyan? Mapapalamon ka ba niyan? Kikita ka ba ng pera diyan!" Galit na sigaw Mama.

"Hindi naman yon ang pangarap ko Ma. Hindi para magpasikat. Bakit ba hindi niyo maintindihan, ang gusto ko magsulat hindi para sa pera o kasikatan. Gusto ko maibahagi sa iba yon talento ko. I mean, gusto ko lang ibahagi sa iba kung anong meron ako. Ito Ma, itong pagsusulat ko. Itong mga nasa isip ko, gusto ko may makaalam nito." Pagpapaliwanag ko kay Mama.

"Tigil-tigilan mo ako Rhianne. Kung wala ka rin mapapala. Tigilan mo na. May trabaho ka. Yon ang paglaanan mo ng panahon. Yang ilalaan mo sa pagsusulat kuno, i-overtime mo yan para may dagdag kita ka." Saka padabog na sinara ni Mama ang pintuan ng kwarto.

Nang makaalis si Mama ay umupo ako sa kama. Hinawakan ko ang mga librong nakakalat doon. Mga librong isinulat ko. Mga akdang hindi lang basta ko ginawa kundi halos naging diary ko na. Mga talaan ng lahat ng nararamdam ko na idinaan ko sa kwento. Kung babasahin ito, para lang itong isang normal na kwento, na gustong makapagbigay pampalipas oras o saya sa mga nagbabasa. Ngunit ang totoo, sa librong ito ko ibinuhos lahat ng gusto kong isigaw sa Mundo. Dito ako tumatakas sa totoong realidad ng buhay. Ito na ang ginawa kong sariling Mundo. Ang mga librong ito na ang naging tahanan ko.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hindi naman ako nagkulang sa Pamilya ko. Lalo na sa Magulang ko. Tumulong akong pag-aralin ang kapatid ko dahil obligasyon ko yon bilang nakakatanda. Halos ibinibigay ko na ang lahat ng meron ako. Dahil alam kung kailangan rin nila. Lalo na at may maintenance si Papa sa gamot.

Sa mga librong ito na nga lang ako tumatakas sa stress sa trabaho, sa stress sa Pamilya, at sa problema ko relasyon ko kay Josh. Naipagkakait pa sa akin. Kinuha ko ang cellphone na ginagamit ko sa pagsusulat. Ang Samsung Galaxy dous na halos limang taon ko na rin pinagtatyagaan. Ito ang gamit ko nang mag-umpisa akong magsulat. Kulang na nga lang bumigay na ito.

Nag-umpisa akong magtipa ng kahit anong pwedeng pumasok sa isip ko. Panibagong akda, o pwedeng karugtong sa mga naumpisahan ko. Ang mga kwentong isinusulat ko ay nakadepende sa kung anong gusto kong maramdaman.

Kapag gusto kong maging masaya, nagsusulat ako ng masaya. Sa mga kwento ko isinusulat Ang mga bagay na hindi magawa o hindi ko nararanasan sa totoong buhay. Kahit sa kwento man lang maranasan kong maging masaya at makuha ang gusto ko.

Pero hindi lahat sa ng oras. Dahil minsan isinusulat ko rin kung ano ang nararamdaman ko. Lahat ng pighati at sakit na hindi ko kayang isigaw, isinusulat ko. Doon man lang mailabas ko ang hinaing ko sa Mundo, sa buhay ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat nang mag-appear sa screen ang notif mula sa fb ni Josh. Binuksan ko ito at doon na kita ang post ni Candice na naka-tagged kay Josh. "Together again." Iyon ang caption na nakalagay sa post ni Candice.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

War of Writing OutbreakWhere stories live. Discover now