Gaano ba Katagal ang Isang Saglit?

112 12 8
                                    

Gaano ba Katagal ang Isang Saglit?

Parang kaytagal mo naman yatang bumalik

Ilang daang araw na akong nananabik

Ngunit hanggang ngayo'y hindi pa rin nanunumbalik.

Paalam mo sa 'kin noo'y tatakas ka lang saglit

Iiwasang pilit ang mga salitang nakakasakit

Sapagkat pagod ka nang mahusgahan ng mundong malupit.

Gaano ba katagal para sa iyo ang isang saglit?

Katumbas ba ito ng habambuhay mong pagpikit?

Saglit na pagtakas mo nama'y sobra kung makasakit.

War of Writing OutbreakWhere stories live. Discover now