Pikit

75 11 7
                                    

Pikit

Walang may alam ng tunay kong nararamdaman,

Nananahan sila sa akin sa kadiliman,

Ngunit tikom ang liwanag ng saksi kong buwan.

Kalungkutan ang nagsilbing kulungan,

Bulong ang naging kasamahan,

At sakit ang ginawang higaan.

Patawad ang huli kong paalam,

Pupunasan ang mga luhang ilang ulit akong tinakasan,

Pagpikit ang piniling susi sa kasalanan.

War of Writing OutbreakWhere stories live. Discover now