Kabanata 1

6 1 0
                                    

Mabigat ang aking pakiramdam. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Wala akong maalala. Ano ba talaga ang nangyari sa akin?

Nang buksan ko ang aking mata. Puting kulay na kwarto ang bumulagta.

At ang aking katawan ay napapalibutan ng mga aparatus.  May benda ang aking ulo, at maraming pasa ang aking katawan.
Wari'y alam ko na kung nasan ako. Nasa ospital ako.

Ngunit bakit ako napunta sa ospital? Wala akong maalala.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang tatlong pigura ng tao. Mag-asawang nasa mid-fortest ang edad at batang babae na sa pagkatansya ko ay sampung taong gulang. At hula ko anak yun ng mag-asawa dahil magkamukha sila.

Agad lumapit sa akin ang ginang. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Thanks God your alive" sambit nito. Sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Itinulak ko siya.

" sino ka? Hindi kita kilala." Tanong ko na nagpabigla sa kanila.

"Oh my God!!!" Sambit nito habang maluha-luhang humikbi.

"This can't be Bonifacio wala siyang maalala"

Nakita sa mga mata nila ang sakit at pag-aalala.

Lumapit sa akin ang batang babae.

"Ate !! Wag kang magbiro ng ganyan di mo ba kami naaalala?" Habang naiiyak ito.

"Hindi ko talaga kayo kilala"

"Kami ang pamilya mo" sabi ng batang babae.

Dumating ang Doktor. Sinuri niya ang aking karamdaman. Napag-alamang nagkaroon ako ng temporary amnesia dahil sa damage na natamo ko sa aksidente.

Wala akong maalala. Kahit pangalan ko. Ang tanging nasa isip ko ay libro. Weird wala akong maalala pero sinisigaw ng utak ko.

LIBRO!!! LIBRO!!? LIBRO!!!!!.

Anong libro?
Sumasakit ang ulo ko.

"Aahhhhhh!!!!" Sigaw ko

Sobrang sakit ng ulo ko. Rinig na rinig ko na may bumubulong sa akin ng LIBRO!! LiBRO!! LiBRO.

"LiBRO!!!" Sigaw ko ulit .

Lumapit agad sila ni mommy niyakap ako. Hikbi ko lang ang maririnig sa silid na tila hinahayaan lang ako ng aking pamilya na umiyak.

Naiiyak ako sa sakit ng aking ulo.
Kahit pa pinainom na ako ng pain reliever pero hindi mawala ang sakit.

Ilang araw ako namalagi sa ospital. At sa ilang araw na iyon bumuti na ang aking pakiramdam. Nahilum na ang aking mga sugat.

Alam ko na din ang mga pangalan ng aking pamilya na minsan ko nang nakalimutan. Ang kapatid Kong si Jasmine, si mommy lina at daddy Bonifacio.

Naging maayos na ang aking kalagayan kaya napagdesisyunan na lumabas na ako ng ospital at sa bahay na namin magpahinga.

"Ate ito ang bahay natin" sambit ni Jasmine. Pumasok kami sa loob. Malinis at maayos ang mga gamit sa loob.

"Ito ang kwarto mo" pakita niya sa akin sa saradong pinto. Binuksan niya ang pinto ng kwarto at pumasok kami doon.

Pagpasok ko palang sa silid. Naramdaman ko na agad ang familiarity ng lugar. Nakikita ko sa table ang mga litrato na nakadisplay. Walang pagdududa silid ko nga ito.

"Sige ate maiwan muna kita. Magpahinga ka" agad lumabas ng aking silid si Jasmine.

Tiningnan ko ang mga gamit ko.  Maraming libro ang nakapaligid. Nagmimistulang library ang aking silid sa daming librong nakakalat.

Nagkalat din ang mga tinta, krayola, lapis, bond paper.

Inayos ko ito at inilagay sa tamang lalagyan.

Wala akong naaalala na memorya sa silid na ito. Ngunit base sa aking mga gamit nahihinuha Kong mahilig ako sa libro. Hilig ko ang pagsulat at pag-guhit.

Sinubukan Kong gumuhit tama nga ako. Marunong ako.

Maraming libro ngunit lahat ng libro ay tragic ending.

Dahil wala akong magawa sa bahay. Nakagawian Kong magbasa ng mga libro at magsulat ng kwento na tragic din tulad ng mga binabasa Kong kwento.

Sinasabi nila mommy na bumabalik na ako sa dati. Mahilig daw ako noon magbasa, gumuhit , at magsulat ng kwento.

Kaya tuwang-tuwa silang nalaman na kahit wala akong maalala bumabalik sa akin ang mga hilig ko.

Isang buwan din akong namalagi sa bahay na walang ibang ginawa kundi magbasa at magsulat ng kwento.

Na tila ang pagsusulat ay buhay ko na.

LIBROWhere stories live. Discover now