kabanata 12

8 0 0
                                    

[Athena POV]

Alam naming hindi madali ang gagawin namin lalo pa't hindi namin alam Kong sino ang kalaban at kakampi.

Base sa hint ng Aleng mangkukulam ang totoong kalaban ay nasa paligid lamang at anytime ito ay aatake ng hindi namamalayan.

Ilang beses ko ng tinanong sa aleng mangkukulam Kong sino ang kalaban kasi sigurado akong alam niya Kong sino. Ang tanging tugon nito. "Wala ako sa posisyon na isiwalat Kong sino. Dahil hindi mangyayari ang nakasulat sa propesiya. Nasa inyong mga kamay kong paano ninyo ito malaman"

Naguguluhan man. Pero sa bawat salita na binigkas nito. Malinaw pa sa malinis na tubig na lahat ng manyayari ay nakasulat sa propesiya.

" Patayin si Rios Morgue!"

" Patayin si Rios Morgue!"

" Patayin si Rios Morgue!"

" Patayin si Rios Morgue!"

Sigaw na nagpakaba sa kanilang lahat

"Natunton kayo ng mga tao. Nanganganib ang buhay niyo lalo ka na" sabay turo ng ale Kay Rios.

"Anong gagawin namin?" Tanong ko.

Nangangamba ako sa mga mangyayari na kung sakaling mahuli kami ng mga tao. Kawawa si Rios. Nasaksihan niya kung paano pagmalugpitan, paghampasin at ang mga sugat na tinamo nito sa kamay ng mga kawal ng kaharian. Kaya iniisip pa lang niyang possible itong mangyari ngayon nasasaktan na siya.

Palapit ng palapit ang mga tao. At ramdam nila na pinalilibutan ang kubo ng aleng mangkukulam ng mga taong may dalang apoy.

"Tumakas kayong dalawa. Dito kayo dumaan" turo nito sa lagusan sa underground" dalhin niyo ang lamparang ito para makita niyo ang daan sa tunnel at hindi kayo mawala"

Tinanggap nila ang lampara at mabilis na pumasok sa lagusan sa lilalim ng lupa.

"Paano ka? Baka patayin ka nila" tanong ni Rios sa ale

"Huwag niyo akong alalahanin. Alalahanin niyo ang inyong sarili" tugon nito na may tinatagong ipinapapahiwatig.

"Hindi! Hindi kami aalis na hindi ka kasama" patuloy ni Rios

"Wag ng matigas ang ulo sundin niyo ang sinasabi ko. Mas mahalaga ang buhay niyo kaysa buhay ko. Kaya humayo na kayo!" Sigaw nito.

" Patayin si Rios Morgue!"

" Patayin si Rios Morgue!"

" Patayin si Rios Morgue!"

Patuloy na sigaw ng mga tao. Inihagis nila ang mga dalang apoy sa kubo ng aleng mangkukulam.

Masakit man na iwan nila ang ale  habang sinunog ang bahay nito ng mga tao.

Ngunit wala silang magagawa dahil ang ale na mismo ang nagsarado sa sekretong lagusan at naiwan ito sa loob ng bahay nitong nasusunog.

Wala silang ideya Kong nakaligtas ba ito o nasunog kasabay ng bahay nito.

Masikip man sa dibdib na mas pinili nitong isakrapisyo ang buhay maligtas lang sila. Ganon ba kaimportante ang buhay nila? Para ibigay ang buhay nito maprotektahan lang sila at manatiling buhay.

To too nga ang sinabi ng ale. Madilim ang tunnel ang lampara na dala ay nakatutulong para makita nila ang daan. Its a maze maraming daan. Hindi nila alam Kong saang daan sila dadaan. Nakakalito kong alin sa mga ito ang tama. Wala silang ideya kaya pinili nila ang daan na dadaanin base sa instinct. Di man sigurado pero patuloy parin nilang tinatahak.

Ilang oras na silang naglalakbay sa daang di ni alam Kong saan ang aabutin.

"Pagod na ako pwede bang pahinga muna tayo sandali?" Matamlay na huminto sa paglalakad si Athena at agad umupo sa gilid.

Dinaluhan naman siya ni Rios at umupo rin sa tabi niya.

"Kung sakaling makalabas tayo rito anong gagawin natin?"

Tumingin si Rios sa gawi niya
" Hahanapin natin ang totoong maysala at pagbabayarin sa kanyang mga kasalanan" 

Ang mga mata ni Rios na mapupungay ay bigla na lang naging madilim. Makikita ang pait, sakit at kalungkotan sa mga mata nito.

Pait at sakit dahil sa tortured na kanyang dinanas. Muntikan siyang mamatay at swerte na niya ngayon Kong bat pa siya buhay.

Kalungkotan at paghihinagpis sa pagpatay ng kanyang ina at kapatid na walang kalaban-laban.

Kaya para mabigyan ng hustisya ang ina, kapatid at ang mahal na hari na ama, at matalik na kaibigan ang turing niya. Gagawin niya ang lahat makamit lang ang hustisya.

" I'll be with you Rios hindi kita iiwan" sabi ni Athena at hinawakan niya ang kaliwang kamay at pinagsaklop ito.
Ngumiti sila sa isat isa.

"Salamat"

Alam niyang hindi dapat ang pagsama niya rito. Dapat may gawin din siya para mapadali ang pagkamit ng hustisya.

"Humayo na tayo" walang emosyong sabi ni Rios. Inilahad nito ang kamay nito para iangat siyang makatayo.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Habang tumatagal ang madilim na tunnel ay unti unting nagkakaroon ng liwanag nanggaling mula sa lagusan.

LIBROWhere stories live. Discover now