Kabanata 9

1 0 0
                                    

[Athena POV]

Kahit sobrang higpit ng pagkakagapos sa akin. At bakat sa aking balat ang lubid. Patuloy parin akong nagpupumiglas. Kailangan Kong balikan si Rios.

Ngunit kahit anong pagpupumiglas hindi parin ako makawala sa lubid.

Malalim na ang gabi. Tumunog na ang tiyan ko. Gutom na gutom isang araw na akong hindi kumakain.

Napatigil ako ng bumukas ang pinto. Nakita ko ang aleng manghuhula na may hinihila na bangkay.

May nabiktima naman ito. Hindi ko maklaro ang mukha o hitsura kung sino yon. Pero familiar ang taong yon sa akin.

Sobrang gutom na gutom na ako. At nangangalay na rin ang aking mga paa sa katatayo. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Nagbabakasakaling makatulog ako at nang sa ganon hindi ko na maramdaman ang gutom.

[Rios Morgue POV ]

Masakit ang aking katawan. Nararamdaman Kong hinihila ako ng isang tao na hindi ko kilala. Hindi ko maaninag ang kanyang kabuuan. Sapagkat hindi ko magawang maibuka ang aking mga mata.

Ramdam kong tinatali ako sa kamay. Yong pagkakataling hindi basta- basta natatanggal. Sobrang higpit na halos nababakat na ang lubid sa balat ko.

Pikit man ang mga mata ko. Pero ang diwa ko kong saan-saan napapadpad. Nasaan na kaya si Alien na babae? Okey lang ba siya? Nagutom na siguro yon. Sigurado akong di pa yon kumakain.

"Aleng mangkukulam pakiusap pakawalan niyo po ako!!" Sigaw ng babae. Pamilyar ang boses niya. Parang si........

"Alien na babae" bulong ko sa sarili ko

"Pakiusap kailangan ako ng kaibigan ko!" Patuloy na sigaw niya.

Batid Kong sa kabilang kwarto nagmumula ang ingay na iyon.

Nandito si Alien na babae.

"Alien na babae!" Sigaw ko
Pero sa sobrang hina ng boses ko sigurado akong hindi niya ako naririnig.

Kaya pala di niya ako binalikan kasi nadakip pala siya ng tinatawag niyang Aleng mangkukulam.

Kahit nahihirapan man. Patuloy parin akong nagsisigaw sa kanyang pangalan. Nagbabakasakaling marinig niya ako.

"Alien na babae nandito ako!"

"Rios ikaw ba yan?" Sigaw niya. Sa wakas narinig niya ako.

"Oo ako ito"






LIBROWhere stories live. Discover now