Kabanata 2

4 1 0
                                    


Ilang buwan akong namalagi sa bahay. Nagmistulang preso kasama ang dose-dosenang libro.

Habang ako'y nasa aking silid, kasalukuyang nagsusulat ng kwentong hindi ko matapos-tapos. Tila may pumipigil sa aking imahinasyon na magpenetrate ng mga ideya.

Kaya para marelax at marefresh ang aking utak . Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng silid ko.

Ngunit wala talaga. Nababagot ako. Kailangan ko ng matapos ang kwentong ito. Pero paano ? Na kahit pigain ko ang laman ng aking utak , hindi talaga lumalabas.

Sa aking palakad-lakad may nahagip ang aking mata. Isang pintuan. Pintuan na nakatago sa likod ng aking malaking salamin.

Agad ko itong nilapitan. Walang lock kaya agad akong nakapasok sa loob.

"Wooow" bulong ko na lang  sa 'king sarili.

Nakapagtataka. May ganito pa pala sa kwarto ko.

Namamangha ako sa aking nakita. Ba't ngayon ko lang to nalaman. Ang gandang lugar para sa katulad Kong mahilig magsulat at magbasa.

Ang silid ay puno ng mga libro na naaayon sa genre na aking gusto. Thrill, scary, tragedy and magical stories na lahat ng ending ay sad. Hindi nagkakatuluyan ang nagmamahalan.

This place  is amazing. Ito na ang bago Kong haven.

Inisa-isa Kong tiningnan ang mga nakahelirang mga libro at may isang nakaagaw ng pansin sa akin.

Hindi ko alam Kong anong meron sa librong ito. Nakita ko na lang ang aking sarili na binabasa ito.

"I'm innocent" ang pamagat na isinulat ni Anneseluvumore.

Sinimulan ko ng basahin ang kwento.

Ako si Rios Morgue isang dayuhan sa lugar na tinatawag na Caponecastillon. Pinalayas ako kasama ang aking pamilya sa lugar namin at napadpad kami sa Caponecastillon. Mahirap at walang-wala kami.

Ngunit isang araw. Habang kami'y palaboy-laboy sa daan. Tinulungan kami ni haring Romeo ang hari ng kahariang Caponecastillon. Binihisan, pinakain at binigyan ng trabaho.

Laking pasasalamat ko sa mahal na hari sa mahabagin niyang puso.

Naging maayos ang pamumuhay naming mag-anak ng aking ina at nakakabatang kapatid na babae.

Pinautang ako ng mahal na hari ng pera. At ginawa ko iyong puhunan sa negosyo. Naging maayos ang takbo ng aking negosyo. Lumago at yumaman ako. Ang dating Rios na walang-wala isa na ngayon sa tinitingala at pinakamayaman sa lugar ng Caponecastillon.

LIBROWhere stories live. Discover now