Kabanata 10

1 0 0
                                    

[Athena POV]

Napagtanto ko na ngayon na si Rios ang hinihila ng Aleng mangkukulam. Medyo gumaan ang pakiramdam at kaba ko. Malamang buhay pa si Rios.

Papalapit ng papalapit ang Aleng mangkukulam sa akin. Na may hawak na matulis na punyal sa kaliwang kamay.

Anong gagawin niya sa akin? Pupugutan niya ba ako? Oh no. Dalawang hakbang na lang at maaabot na niya akong sasaksakin.

Ang creepy niyang mukha na bakas nito ang maitim na awra.
Im scared.

"Maawa po kayo sa akin. Huwag niyo po akong saksakin" pagmamakaawa ko sa mangkukulam.

Ngunit walang pagbabago sa ekspresyon nito. I'm super scared. Sana makita ko man lang si mommy, daddy, at Jasmine sa huling pagkakataon bago ako pugutan o pagsasasaksakin. Isang hakbang na lang. At ramdam na ramdam ko na ang tulis ng punyal. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Kasi kahit magpumiglas ako wala akong laban sa kanya.

Siguro ito na ang aking katapusan. Hindi man ako personal na makapag-paalam sa aking mahal sa buhay. Ibubulong ko na lang sa hangin nagbabakasakaling marinig nila ito sa kanilang panaginip. "PAALAM MOMMY, DADDY, JASMINE mahal na mahal ko kayo" bulong ko.

Ngunit hindi ko naramdaman ang punyal sa aking balat. Sa halip ang pagkatanggal ng lubid na nakatali sa akin. Sumilampak ako sa sahig. Siguro sa pagod at pangangalay ng mga binti ko sa mahabang  pagkakatayo. Ibinuka ko ang aking mata at hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ang dating malademonyo na aleng mangkukulam ay naging maaliwalas ang mukha. Na bakas ang awa at pag-aalala.

Hindi ko maintindihan. Akala ko katapusan ko na. Ngunit bakit parang biglang bumait ang aleng mangkukulam.

"Siguro nagtataka ka kung bakit hindi kita pinatay kagaya ng inaasahan mo" sabi ng mangkukulam.

Tumango ako sa pagsang-ayon. Napapaisip ako bakit nga ba?

"Alam ko ang iniisip mo kong marapating wag mo ng isipin yon. Kung marami kang tanong  na nagpapagulo sa iyong isipan wag mo ng alamin dahil masasaktan ka lang. Isa lang ang dapat ang itatak mo sa iyong isipan ako lang ang kakampi niyo" turan ng matanda.

Paano naging kakampi ang taong dumukot sa amin ? Paano naging kakampi ang minsang taong gustong saksakin ako. Siguro sapat na na dahilan na hindi nga siya talaga masamang tao kaya tinanggal niya ang pagkakatali ko at hindi tinuluyan na saksakin.  Malakas ang kutob ko na may dahilan siya. Kung ano man yong dahilan ay yon ang isa sa mga kailangan Kong alamin.

Medyo okey na ang aking pangangalay kaya nakakatayo na ako. At medyo bumalik na rin ang  aking lakas.

Iginiya ako ng aleng mangkukulam palabas ng silid at pinaupo sa mesa na may nakahapag na mga pagkain. Hindi na ako naghintay na alukin niya ako. Walang pag-alinlangan Kong sinunggaban ang mga pagkain.

"Alien na babae"

Tiningnan kong sino ang nagsasalita. Sinalubong ko agad siya at niyakap

"Thank God your alive Rios!"




LIBROWhere stories live. Discover now