Kabanata 20

190K 6.4K 2.3K
                                    

Last ten chapters left! Oh my God! Sobrang bilis! Anyway, please note na before proceeding to this chapter, naread na yung completed ver. ng Kabanata 19 since mali yung napost ko nung nakaraan na ending. The ending should be War and Win sitting in the cave, talking. Kapag hindi yun ang ending  pakirefresh nalang po by removing and adding again.

Thank you! Nighty nighty!

xxx

Kabanata 20

I noticed how preoccupied Warrion is, kasama ko s'ya pero tila malalim ang iniisip. Sa t'wing magsasalubong ang mata namin ay ngingiti s'ya pero kaagad ding mawawala kapag mapansin n'yang hindi na ako nakatingin.

Nang magsabi ang tour guide na kumalma na ang alon sa hidden lagoon ay nagdesisyon silang magtungo sa lugar.

Max is still here pero hindi s'ya nakaupo sa tabi ko, before he could even sit beside me ay naunahan s'ya ni Warrion kaya wala itong nagawa at nanatili nalang sa tapat ko kasama ang ibang guest.

He was looking at me coldly, kita ko ang kunot ng noo n'ya, tila iritado sa kung ano. I flashed a smile but he looked away kaya nawala ang ngiti ko.

I should talk to him again and apologize.

Saglit akong sumulyap sa tabi ko at lumambot ang puso ko nang makita ang nakapikit na si Warrion sa tabi ko. Hawak n'ya ang kamay ko pero nakapikit s'ya roon, tila pagod.

I sighed, saglit na umayos ng upo bago marahang i-angat ang kamay para hawakan ang ulo n'ya pahiga sa balikat ko.

He opened his eyes a bit, kita kong nagtaka sa ginawa ko pero sumulyap ako at nagsalita.

"Rest, come on." I said. He slowly nodded, his green eyes flickered with my sweet voice and smiled.

"Thank you," He whispered before kissing my cheek.

Napatalon ako sa gulat pero tumaas lang ang sulok ng labi n'ya bago ipaikot ang braso sa exposed kong baywang at tumungo sa leeg ko para magpahinga.

I gulped, saglit na napasulyap sa iilang guest na nakatitig kay Warrion, bakas ang paghanga at panghihinayang sa mga mata. Nang mahuli ko ang galit na tingin ni Max ay napaiwas nalang ako at marahang hinaplos ang buhok ni Warrion.

I heard the crashing waves on the sea and smelled its scent. Napapikit rin ako habang dinarama ang lamig ng hangin sa balat ko at ang init na nanggaling kay Warrion.

I should really see my therapist again to help me more, to clean my mind more. Gusto kong maging maayos na ang lahat. I wanted to forgive myself but I really can't, for now.

Nang sabihin ng tour guide na nasa lagoon na kami ay kaagad kong ginising si Warrion. He stirred a bit and opened his eyes, mukhang nakaidlip nga saglit bago marahang tumingin sa paligid.

"We're here," I said. He slowly nodded, nakita kong pinasadahan ng kamay ang buhok kaya mas gumulo iyon.

I bit my lip, I saw him roam his eyes around and stood.

"Wait here," Aniya at tumango ako at ngumiti.

I saw him went to the guide to talk, nag-aayos naman na ng mga life vests ang ibang guest para mas humigpit kaya sinipat ko rin ang akin.

"Really, Winter? That man?" Halos mapatalon ako sa upuan nang marinig si Max na nasa tabi ko na.

"Max,"

"I still just can't..." He shook his head. "I am not mad, I just...hindi ako makapaniwala. Him? He didn't do any good to you."

"Warrion is a good man, Max." Giit ko sa kanya. "I hope you understand that. I like you as a friend but I didn't want more than that."

Heart of DarknessWhere stories live. Discover now