Wakas

222K 8.2K 5.5K
                                    

Here we go again. This is the last part of this book, Heart of Darkness. I hope you enjoyed reading this stories as much as I enjoyed writing them. I hope you loved War's coldness and Win's darkness.

I am hoping that through this story, you can finally find forgiveness, love and in the darkness, may you find the light.

xxx

Wakas

"MALULUSAW na 'yan kakatitig mo." Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Kuya sa gilid ko.

I shifted my gaze at him and raised my brow.

"What?" I asked.

He chuckled, raising his wine glass and pointed somewhere.

"Sabi ko, matutunaw na 'yung babae kakatitig mo." He said.

"Who? Wala akong tinititigan." I said, raising my glass to take a sip.

"Sus!" He laughed, binangga n'ya pa ang balikat ko kaya sumimangot ako.

"Wala nga!" I exclaimed.

"E, bakit ka defensive?" Aniya.

"Am I?" I asked, annoyed. "I just don't want you teasing me around girls. They're annoying."

"Oh?" Humagalpak s'ya ng tawa at nagtawag ng kakampi. "Hoy, Lucian, h'wag ko raw s'yang asarin sa babae, bakla ata 'tong kapatid ko!"

"Tangina mo." Sinipa ko ang paa n'ya at nagsitawanan ang mga may saltik kong pinsan.

Napatingin ako sa nakangising si Vioxx at bigla n'yang itinaas ang kamay n'ya.

"Alcantara number two, hindi tayo talo!" He said.

Kumuha ako ng mani at tinapon sa mukha n'ya, humagalpak naman ito ng tawa at hinila pa si Wave para makisama doon kay Kuya at Lucian na parang may sayad.

"Sino bang bet mo, Warrion? Gwapo?" Asar pa ng peste kong kapatid kaya itinaas ko ang daliri ko sa kanila. I showed them my dirty finger and they laughed their ass out.

Muli akong sumulyap sa kabilang table.

The beautiful woman caught my attention since last week, nalaman ko rin ang pattern ng pagpunta nila rito noong isang linggo pa kaya nandito ako ngayon.

No, no way, Alcantara.

You wanted to go here to get drunk. That's it.

Umiling ako, sumimsim sa alak at sumulyap sa babae. I froze when she suddenly shifted her gaze and our eyes met.

Her doe like black eyes shined with the colorful disco lights above, the wild song playing on the stereo suddenly turned softer when our eyes met.

Ibinaba ko ang baso ko, I slowly licked my lip and stared at her and she doesn't seem to be bothered. I saw her staring at me too, sumimsim sa wine na hawak at nakipagtitigan.

"Ang lupit ni ganda a, nakikipagtitigan sa'yo, kung ako nakipagtitigan sa'yo baka nangingisay na ako." Bulong ng lintek kong kapatid kaya nabaling ang atensyon ko rito.

Muli akong napaharap sa babae at nakitang may iba na s'yang kausap kaya mas sumimangot ako at masamang tinignan si Kuya.

"Fuck you," I gritted my teeth and smacked his nape.

Napamura s'ya at binatukan rin ako.

"Inaano kita?" He hissed.

"Hindi na tuloy nakatingin!" I hissed at ang kaninang iritadong kapatid ko ay lumaki ang ngisi at naki-chismis sa mga pinsan ko.

Heart of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon