CHAPTER 29

97.4K 3.2K 454
                                    

Chapter 29

"ANO? Lumuhod siya sa harapan mo?"

Tumango ako kay Marga. Ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng tagpo mula sa unang pagkikita namin ni Dela Vega. Pareho silang gulat na gulat sa mga sinabi ko.

"N—nakita ba niya si Sagan?"

Umiling ako. Nakahinga naman sila nang maluwag. Pakiramdam ko paliit nang paliit ang mundo para sa amin ng anak ko. Hindi ko lang alam ang gagawin ko kapag ang anak ko mismo ang makakita ng kanyang ama.

"Naku, besh, tiyak na hindi ka na niya tatantanan. Alam na alam ko ang hilatsa ng bituka ng Dela Vega na 'yon, kapag may gusto siya, gagawin niya ang lahat makuha lang ito, by all means. Nakuha ka nga niya dati, 'di ba?"

Nasapo ko na lamang ang aking noo. Marga's right. My mind suddenly took a short trip down the memory lane.

Kahit anim na taon na pala ang nakaraan, preskang-preska pa rin sa utak ko ang bawat detalye na kasama ko ang Dela Vega na 'yon. Bawat ngiti, saya, at sakit ay nasa puso ko pa. Pero iyong pinakamasakit sa lahat ay ang mga pangakong ibinaon sa galit at limot.

"Tissue, besh."

Napahawak ako sa aking pisngi nang bigla akong inabutan ni Rafael ng tissue. Umiiyak na pala ako habang inaalala ang bawat pangakong napako. Pinrotektahan niya ako mula sa pananakit ng iba ngunit siya rin pala ang unang magbibigay sa akin ng pinakamatinding sakit. At ngayon, ang lakas ng apog niyang kunin sa akin ang anak ko?

"H—hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, Rafael. I tried pushing him away but he seemed to be unstoppable. Duda akong titigil pa iyon kahit ilang beses ko siyang ipinagtabuyan."

Malungkot silang bumuntonghininga habang nakatingin sa akin. Nag-half-day na lamang ako sa trabaho ngayong araw dahil tinapos ko na ang mga importanteng dokumentong pipirmahan ni boss. Makakapaghintay naman iyong mga ibang papeles doon. We're currently at the mall. Sa loob ng paborito naming restaurant.

"What if kausapin mo na lang siya nang masinsinan, besh? Alam ko naman na hindi deserve ni Dela Vega na maging ama ng anak mo pero kasi kailangan nating tanggapin ang katotohanan na kung wala ang sperm niya, wala rin naman tayong Sagan ngayon. Paano naman ang anak mo? Hindi mo habang buhay maitatago sa kanya na buhay ang ama niya at hinahanap siya. Paano kung paglaki niya susumbatan ka niya na hindi mo man lang siya ipinakilala kay Dela Vega?"

Napatungo ako. Rafael was right. Am I too selfish if I wanted to keep Sagan my own? Madamot ako pagdating sa anak ko sapagkat matinding hirap ang pinagdaanan ko lumaki lang siya na malusog at matalino.

"H—hindi pa ako handa, Rafael. K—kasi paano kung hihingin sa 'kin ng anak ko na makasama ang ama niya? P—paano naman ako? Sa huli, ako pa rin ang mawawalan at si Dela Vega ang panalo. At hindi ko kayang tanggapin iyon."

Namalisbis ang mga luha sa aking mga mata. Halos maubos ko na iyong isang box ng tissue. Pagkatapos ng tagpong iyon sa tapat ng gate ay namuo ang takot sa aking dibdib sa maaaring susunod pang mangyayari.

"Alam mo, besh, wala ka namang dapat ikatakot. Ikaw ang ina at mas may karapatan ka kay Sagan. Puwede n'yo namang pag-usapan ang custody ng bata kung sakaling gugustuhin ni Sagan na makasama rin ang ama niya. Kay Dela Vega, madali mong mailayo sa kanya ang bata pero kay Sagan kaya mailalayo mo sa kanya ang kanyang ama? Kaya mo bang tiisin ang anak mo?"

Dahan-dahan akong umiling. Lahat kaya kong gawin at tiisin kung para sa kaligayahan ng anak ko. Lahat kaya kong isakripisyo para sa kapakanan niya.

"See? Kaya mag-isip-isip ka, besh. Alin ba ang mas matimbang sa 'yo, ang galit mo sa mga Dela Vega o ang kasiyahan ng anak mo?"

Huminga ako nang malalim at pilit isinaksak sa utak ko ang katanungang iyon. Mahal na mahal ko ang aking anak ngunit masasaktan siya kapag nalaman niyang ang pamilyang dapat magprotekta sa kanya ay ang unang nagtakwil sa kanya.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon