Kabanata 1

20 3 5
                                    

Inirapan

Sabado ng umaga, agad akong pumunta sa kapit-bahay namin na mansyon. Ang mansyon ng mga Dela Vega. Malaki ang respeto ko sakanila dahil kinupkop nila kami. Bata pa lang noon si Papa, dito na siya namulat at nagtrabaho. Pagala-gala lang noon si Papa pero kinuha ito ng pamilyang iyon. Hanggang sa nag-asawa sila ni Mama at ipinanganak ako. Hindi itinuring ng mga Dela Vega ang mga magulang ko na mga alipin at sunud-sunuran, bagkus itinuring nila na parang tagapagmahala sa mga iba pang trabahador dito. May mga nakasabayan akong mga Dela Vega na lumaki. Silang lima ay hindi ako itinuring na anak ng katulong, kundi kasa-kasama at kalaro ko na sila noong bata pa kami. Childhood friends ika nga.

"Oh, Annicka. Ang aga ah." bungad sa akin ni Ate Sabel, isa sa mga katulong.

Ngumiti ako sakanya at tinignan ang niluluto nito. Nagpriprito ito ng ham at hatdog.

"May lakad kami nina kambal, Ate." sabi ko sakanya at tinapik ang balikat nito.

Tumango lang si Ate sa akin at nagpaalam na ako sakanya para umakyat sa itaas. Itinuturing ko ang sarili ko na ma-swerte dahil nakakapasok ako sa mga kwarto dito ng mga Dela Vega. Dahil siguro mataas ang tiwala nila saakin, o saamin nina Mama. At wala akong balak na basagin iyon.

Pagkarating ko sa ikalawang palapag ng mansyon, pumunta ako sa ikatlong pintuan, kung saan natutulog ang kambal. Kinatok ko ang pinto, ngunit walang nagbukas o nagsalita. Tulog pa siguro sina George at Jorgy. Sabi nila alas syete kami pupunta sa dagat, pero tignan mo nga naman. Mga scam.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at pumasok doon. Tama nga, tulog pa ang kambal. Nagyayakapan sila sa isa't isa. Bigla tuloy akong nainggit. Sana, may kapatid din ako.

Lumapit ako sakanila at humila ng isang unan sa kama nila. Agad akong bumwelo at hinampas ang ulo ng kambal. Malulutong na mura ang lumabas sa bunganga ni George at napabangon si Jorgy, nakakunot ang noo.

"What the fuck, Annicka?" si George.

"Alam mo, istorbo ka sa tulog." si Jorgy.

Ngumuso ako at tinignan sila ng masama. Eh kung sabihin ko kayang scammer silang dalawa.

"Alam niyo, paasa kayo. Sabi niyo kahapon pupunta tayo sa dagat. Alas syete ng umaga. Pero alam niyo bang alas otso na? Naghintay ako sainyo sa bahay!" sigaw ko sakanila.

Nagtinginan ang kambal na parang naalala nga ang usapan namin kahapon. Sinapak ni Jorgy si George.

"Bro, your plan!" sigaw ni Jorgy.

Agad naman na bumawi si George.

"Gago, our plan!"

Ngumiwi ako sa mga mura nilang dalawa. Sabay na tumayo ang kambal sa kama kaya umatras ako.

"Hintayin mo kami sa sala Annicka. Maliligo na kami." sabi ni George at pumunta sa walk in closet nila para maghanap ng damit.

"Hindi tayo maliligo doon?" tanong ko sakanila.

"Edi maliligo tayo ulit." sagot ni George.

"Sige na, alis na Annicka. Unless you want to see our super hot bodies." sabi ni Jorgy at kinindatan ako.

Agad ko siyang inirapan at umalis na. Rinig ko naman ang tawanan ng kambal.

Bumaba ako at pumunta sa sala nila. I seized the remote of TV and I opened it. The flat screen TV flashed immediately an image. Kung maliligo pa ang kambal, edi ibig sabihin nun matagal pa sila.

Si Tita Monica at Tito Jerry, parents ng kambal ay nasa America ngayon at may business doon. Ganoon din si Tita Remalyn at Tito Vic, parents naman ni Neville.

Si Tita Maje at Tito Jiro, nasa Ilocos at may lupain sila doon na hindi pwedeng iwanan, sila naman ang parents ni Ron. At si Tita Matilda at Tito Marcus, sila ang naiwan dito sa Sta. Luciana, sila rin ang nag-aayos sa mga lupain dito.

Pero madalas wala dito si Tita Matilda at Tito Marcus, mga parents ni Von. Minsan nagugulat ka na lang, nasa America na pala sila, binibisita ang mga kamag-anak doon. Gusto sana nilang tumira na lang sa America, kaso bilin ni Donya Sucrisa bago ito namatay, na si Tito Marcus na ang bahala sa mga lupain nila dito sa Sta. Lucianna.

"The great Annicka is here." isang boses ang nagpalingon sa akin.

He's wearing a boxer and a plain white t-shirt. Magulo ang buhok, simbolo na kagigising lang niya. Sa kanilang lima, sakanya lang ako medyo hindi komportable. Kung makatitig kasi ito parang may mga yelong namumuo sa paligid ko. Tuwing nagsasalita kasi ito, parang dumidilim ang paligid ko.

Pero hindi ko pinapakita sakanya na hindi ako komportable. Kagaya ngayon, nakatitig ito saakin na para bang bubugahan niya ako ng apoy.

May nakakapit sakanya na babae at magulo rin ang buhok. Maiksi ang shorts at naka-tube ito. Pasimple ko ring tinignan ang shorts ko, mas maiksi pa rin ang shorts nung babae.

At base sa mga mukha nila, may kababalaghan na nangyari kagabi.

"Ah, hinihintay ko lang si George at Jorgy. Pupunta kaming dagat eh." sabi ko kay Von.

Pinipilit ko na huwag manginig ang boses ko, nagtagumpay naman ako.

"Pupunta kayong dagat?" biglang sumulpot si Ron at sumunod si Neville, galing sila sa kusina.

"Daya! Hindi pa kayo nangyaya!" si Neville.

Ngumiti ako ng pilit kina Ron at Neville na mukhang kagigising lang din. May hawak pa nga na pandesal si Ron.

"Kung sasama kayo, dali na mag-ayos na kayo!" biglang sigaw ni George, pababa ng hagdan. Nakasunod dito si Jorgy na nagsusuot ng damit.

Biglang humagikhik ang babaeng kasama ni Von. Nakita ko ang paghaplos ng babae sa braso niya at ngumiti ng matamis.

"Von, pwede bang sumama?" malambing nitong sabi.

Hindi siya pinansin ni Von, kundi saakin ito nakatingin. Nakatitig ito saakin na para bang kinikilatis ako kung magnanakaw ba o pumapatay ng tao. Bigla akong nailang, pero hindi ko masyadong pinahalata.

"No, and leave." malamig na sabi ni Von.

Agad na bumuka ang bunganga nung babae at napaayos ng tayo. Ganito lagi si Von pag may babaeng nata-target eh. Lagi-lagi ata iba-ibang babae ang dinadala dito sa mansyon nila. At kapag tapos na ang kailangan niya, itataboy na ang babae.

Agad na umiling si Ron at Neville, tsaka natawa ang kambal. Naawa ako sa babae habang umaalis ito. Ni hindi man lang inihatid ni Von, o nagpaalam man lang siya sa babae.

"So aalis kayong tatlo na hindi man lang kami isasama?" si Von.

Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong o ano. Pero mukhang ako yata, kasi ako pa rin yung tinitignan.

"Oo, ide-date sana namin si Annicka. Pero mukhang eepal kayong tatlo, edi sumama na kayo." si Jorgy.

Agad na nagtawanan ang kambal at nag-apir.

Umigting ang panga ni Von at tinignan ng masama ang kambal.

"Sasama ako." malamig na sabi nito at umalis. Bumalik siya sa itaas.

"Parang tanga itong si Von. Highblood nanaman ata." atake ni Ron habang kumakain ng pandesal at pumunta na rin sa itaas. Sumunod sakanya si Neville.

"Anong parang tanga, tanga na nga iyon. Torpe pa." banat naman ni George na ikinakunot ng noo ko.

"Fuck off!" biglang sumulpot si Von sa itaas at itinaas ang gitnang daliri nito.

Tumawa ang kambal at nung tumama ang tingin naming dalawa, inirapan niya ako.

Escaping From Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon