Kabanata 5

7 0 0
                                    

Naiinggit

"Ano?! Si Professor Quirrel ang kontrabida? Hindi si Professor Snape?!" sigaw ni George.

Nandito kami ngayon sa sala ng mansyon at nanonood ng Harry Potter and the Sorcerer's Stone. I recommended to watch it at pumayag naman sila. Hapon na at wala kaming ginagawa ngayon.

"Annicka, paabot nung popcorn." sabi ni Ron, nakahiga sa hita ko. Agad ko namang inabot ang popcorn sa tabi ni Neville.

Si Neville, George, at Jorgy ay naka-upo sa malaking sofa at kami naman ni Ron ay nasa sahig. Nasa pang-isahang sofa naman ni Von, sa gilid naka-upo. Ewan ko nga kung nanonood siya eh. Ilang beses ko ng nahuhuli na sinusulyapan ako. Pero hindi ko na lang pinapansin.

"Weak Voldemort. Harry Potter lang katapat." natatawang sabi ni Neville.

"Yung kapangalan mong Neville, bro. May pagka-weak din, parang ikaw lang." si Jorgy.

Natawa ako at lumingon sa tatlo. Agad na hinampas ni Neville si Jorgy ng unan. Kukulit talaga.

"Annicka, pasubo." si Ron.

Tumango ako sakanya kaya ngumiti ito. Umayos siya ng higa at pumikit, tsaka niya ibinuka ang bibig niya.

Agad naman akong kumuha ng dalawang popcorn at nilaglag sa bunganga nito. Nginuya ito ni Ron habang nakapikit.

"May mga kamay ka naman, Ron." malamig na sabi ni Von, agad akong napalingon sakanya.

Binigyan niya ako ng madilim na ekspresyon, na dahilan para manlamig ang sikmura ko. Umiwas na lang ako ng tingin sakanya. Ayan nanaman siya eh.

Dumilat naman si Ron at tsaka umupo na sa tabi ko. Tinignan niya si Von at pinagtaasan ng kilay.

"Why? Inggit ka?" natatawang sabi ni Ron.

Agad na humagalpak sa tawa ang kambal na para bang may dumaan na clown.

"Stupid, Ron. Isn't obvious?" biglang sabi ni George pero nakatingin ito sa TV.

Umiling na lang si Jorgy.

"Hindi kasi kayo masyadong close ni Annicka, Von. Try making yourself close to her so you won't feel inggit. Minsan kasi you're looking at her as if you're goin' to kill her though." sabi ni Neville.

Agad akong namula. Ini-imagine ko pa lang na malapit sa akin si Von, parang mahihimatay na ako sa kaba. Mas mabuti na lang iyong ganito. Oo nga't hindi kami masyadong close, pero alam ko naman na itinuturing din niya ako bilang kapatid.

"H-Hindi, ayos lang. Komportable naman ako kay Von tsaka, tinuturing ko naman siya na kapatid o kuya kagaya niyo. So it's fine." sabi ko sakanila.

Hindi ko alam kung nahalata ba nila ang pagsisinungaling ko na komportable ako sakanya, at ang panginginig ng boses ko. Pero totoo, kapatid o kuya ang tingin ko rin sakanya no.

Sakanilang apat, mas matanda si Ron. Nauna lang siya ng dalawang buwan. Sunod sakanya si Von, tsaka ang mga kambal. At ang pinakabunso talaga sakanilang lima, ay si Neville.

Saktong natapos na ang pinapanood namin. Agad na tumayo si George at pinatay na ang TV. Nakangisi ito,

Agad din na tumayo si Neville na nakatingin sa relo nito, at dumiretso sa itaas habang nagmumura. Sakto namang tumunog ang cellphone ni Ron. May tumatawag ata kaya ito lumabas.

"Damn bro, you're brotherzoned." natatawang sabi ni George kay Von.

"Annicka, can you call Von kuya?" si Jorgy at nakangisi.

Agad akong namula sa sinabi ni Jorgy. Umiling ako sakanya at tumayo. Pinulot ko ang mga popcorn na nahulog sa sahig.

"Come on, Annicka. Call him Kuya if you're really comfortable." panggagatong ni George.

Escaping From Dela VegaWhere stories live. Discover now