Kabanata 4

3 0 0
                                    

Problemado

"Enrolled." mahinang basa ko sa papel na hawak ko at nakasulat doon ang mga schedules ko para sa unang semester.

St. Luciana University.

Lumapit ako kay Neville na nakaupo sa gilid, nakatitig ito sakanyang cellphone at nakakunot ang noo. Problema niya? Agad akong lumapit sakanya at tinignan kung ano man ang meron sa cellphone.

Babaeng nakangiti, singkit ang mga mata at may dimple din sa pisngi. Maputi ito at maganda.

"Maganda siya, Neville." sambit ko sakanya. Nagulat ito at inilayo ang cellphone niya. Tumayo siya at ngumiti ng pilit.

"Done, Teacher Annicka?" tanong nito sa akin.

Ngumiti ako sakanya at tumango. Agad kaming naglakad para pumunta sa cafeteria dito sa University. Nandoon kasi ang apat, naghihintay saamin.

Dapat nga sasama sila pero hinila ko agad si Neville para siya na lang ang kasama ko. Hassle pag kasama ko silang lahat no.

Pumasok kami sa cafeteria at nakita namin ang magpipinsan sa gilid. Nagtatawanan sila at pinagtitinginan din ng ibang tao.

Lumapit kami ni Neville sakanila. Nakatalikod ang kambal sa amin at sa harapan nila si Von at Ron. Gumagalaw ang mga balikat ng kambal na parang tumatawa, mukha namang naaasar na si Ron, at wala namang pakialam si Von, pero agad niya kaming nahagip ng mga mata nito. Kaya nakatingin nanaman ito sa akin. Lumunok ako.

"Ron, Dela Vega tayo. Dapat magaling kang dumila. Kaya nga may Dela sa apelyido natin eh. Bro, you're weak." si Jorgy.

"Twin, how 'bout we invite Ron later? We'll watch porn. Para matuto siyang dumila." humagalpak sa tawa si George at nag-apir nanaman sila ni Jorgy.

Uupo na sana ako sa tabi nila kambal ng matigilan ako. Hindi ako inosente para hindi ko ma-gets ang pinagsasabi nila. Pero hindi ko ine-expect na dito pa talaga sa public place!

"Tangina niyo, kambal." naiinis na sabi ni Ron.

"O kaya magpaturo ka kay Von, bro he's the expert." si Neville na mukhang na-gets din agad ang pinag-uusapan ng lima. Kaya sumabat na rin ito. Naputol ang tingin sa akin ni Von, dahil tumingin ito sa mga pinsan niya.

"Fuck you all. As if you guys are virgins." sabi nito.

Tuluyan na akong umupo sa tabi ng kambal at umiling na lang sa usapan nila.

"Of course we aren't virgins anymore. But this Ron Jericho is weak." sabi naman ni Jorgy.

Ngumiwi na lang ako sa upuan ko, na katabi si Jorgy at kumuha ng french fries niya. Tumingin ang kambal sa akin.

"Tapos na?" si George.

Tumango ako sakanya at kinuha rin ang softdrinks ni Jorgy. Agad akong uminom doon.

"Ano ba iyan, Annicka. Akin yan eh." reklamo ni Jorgy.

Tumawa lang ako sakanya. Kumuha ako ng isang fries at akmang isusubo sakanya. Tinignan iyon ni Jorgy at biglang ngumisi, na mukhang may naisip na kalokohan. Nawala tuloy ang ngiti ko at kumunot ang noo.

Sinubo iyon ni Jorgy na tinititigan ako. He winked at me after that.

"Can you do it again, Annicka?" si Jorgy.

"Yung ano?" tanong ko na nalilito.

"You, subo me." weird na sagot ni Jorgy.

Ewan ko kung anong meron, but Jorgy's voice turned into husky as if he just woke up! Napakurap ako sakanya. Ano bang trip nito? Narinig ko ang tawa ni George sa gilid na parang may nag-joke saamin.

Kumuha ulit ako ng isang fries at isusubo na kay Jorgy pero biglang may humampas sa mesa namin.

Nagulat ako at napatingin kay Von. He's looking at me dangerously, as though I am his new target to kill. The icy feeling is starting to attack my whole system, and he's clenching his jaw so hard.

"Gago ka, Jorgy." natatawang bulong ni George.

"What's your problem, dude?" si Ron at tinitignan si Von.

Huminga ng malalim si Von pero hindi nito pinuputol ang tingin sa akin. Na para bang kumakalma ito.

"Kaya nga, Von. Problema mo? Sinusubuan lang ako ni Annicka dito tapos nang-iistorbo ka." Jorgy said, sniggering at him.

Von immediately throw a deadly stares to him. He clenched his jaw.

"If you're flirting her don't fucking show it to me." malamig na sabi nito.

Nagtinginan ang kambal at nagngisihan. Flirting? Hindi naman ah!

"Bro, he's not flirting Annicka. That's normal to us, so what's your point?" si George.

Umigting ang panga ni Von at umiwas ng tingin. Biglang tumayo si Neville.

"Let's go. I can't understand you, Von. It's not your first time seeing Annicka and Jorgy in that way." naiiritang sabi ni Neville.

"And you, twins. Para kayong nang-iinis, hindi ko rin kayo maintindihan eh. Tara na nga, may pupuntahan pa ko." dagdag ni Neville at naglakad na ito.

Napakurap ako sa nangyari at mukhang badtrip na si Neville. This is Von's fault. Tumayo na rin kami at sumunod dun sa isa.

"Kung hindi lang natin tinuturing na kapatid itong si Annicka, iisipin ko ng nagseselos si Von eh." biglang sabi ni Ron, nang makarating kami sa parking lot.

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon si Ron. He just shrugged his shoulders then he proceeded to Neville's car. Nasa loob na rin si Neville, hinihintay kami.

Padabog na binuksan ni Von ang backseat at unang pumasok doon. Nagtatawanan ang kambal kaya tinignan ko sila ng masama. Kinindatan lang nila ako tsaka pumasok na rin. Sumunod si Ron.

I entered na rin sa front seat. Mukhang problemado si Neville sa tabi ko dahil tingin ito ng tingin sa cellphone niya.

"Bro, Ron's said a while ago is damn burning." ani George.

"Headshot. Sakto kay Von. I mean, no. That's not headshot. It's a 'heartshot'." sagot naman ni Jorgy.

"Please, shut up twins. I need peace." rinig kong sabi ni Von.

Biglang hinampas ni Neville ang manibela ng kotse nito at nagmura. Nagulat ako at natahimik ang mga pinsan niya sa likod.

"A-Ayos ka lang, Neville?" tanong ko rito.

Hindi ito sumagot, kundi umigting ang panga niya. Biglang nag-ring ang cellphone nito. Inabot niya at pinatay ata ang tawag. Tsaka binato sa likod, na agad nasalo ni George.

Tinignan ni George ang cellphone ni Neville.

"Oh, don't mind him Annicka. Girl problem." si George.

"Basta talaga mga torpe, laging problemado." sabat ni Jorgy.

Sabay naman na nagmura si Von at Neville sakanya.

Escaping From Dela VegaWhere stories live. Discover now