Kabanata 2

7 3 0
                                    

Stubborn

"Mag big bike tayo ha!" masayang sabi ni Neville.

Papunta kami sa garahe ngayon para pumunta na sa dagat. Mga ten to fifteen minutes lang naman ang layo nun.

"Hindi ba tayo maglalakad?" kinakabahan kong tanong.

Sa totoo lang natatakot akong sumakay sa big bike nila, lalo na nung kay George ako sumakay. Muntik na naming mabangga si Von. Paano ba naman, parang nakikipagkarera saamin si Von, eh ito namang baliw na George, pinatulan pa! Parang wala ako sa likod niya eh.

"Huwag na, Annicka. Baka hapon na tayo makarating pag maglakad pa tayo." sabi naman ni Ron.

Ngumuso na lang ako. Bahala na, bahala na kung papatayin ako ng maaga ni George pag sumakay ako doon sa big bike niya.

Pagkarating namin sa garahe, agad na tumakbo si George para kunin ang kulay pula na big bike. Tig-isa nga sila eh, regalo iyan ni Senyora noon sakanila.

"Hoy tatlong big bike na lang gamitin natin." sabi ni Jorgy.

Tumango naman si Ron.

Ayos lang naman saakin iyon.

"So ganito, Ron at Neville, magsama kayo. George at Annicka, kayo naman. At ako, sasakay ako kay Von." ani Jorgy.

Agad akong napakurap at tumingin kay George. He sniggered at me then he winked. Ayan nanaman siya.

"Baka gusto mo ikaw mag-drive Annicka?" panunuyang sabi ni George.

Kumunot ang noo ko sakanya. Mukha ba akong marunong diyan?

"Do you want to kill her?" biglang lumamig ang sistema ko sa boses ni Von. Lumapit ito kay George.

"Oh chill lang," si Neville.

"Von the highblood." sabi naman ni Ron.

Nakasakay na ang mga ito sa kulay blue na big bike, at si Ron ang mag dra-drive.

"Man, chill. I'm just kidding, as if I let our baby to drive this." natatawang sabi ni George.

Bakit ba kasi biglang nagagalit itong si Von. Parang baliw.

"Our baby?" pang-uulit ni Von.

Hindi ko alam kung ano ba ang ipinaglalaban niya o ano eh. Sakanilang magpipinsan siya talaga itong mainitin ang ulo. Baka kunting sagi lang sakanya magwawala na ito.

He's sort of rude and arrogant guy that you don't want to mess with.

"O sige, your baby. Your baby, Von. Annicka is your baby." si George.

Sa hindi malamang dahilan, bigla akong namula at nakaramdam ng hiya. Ano ba iyang pinag-uusapan nila? Parang mga sira talaga.

"Mukha ba akong sanggol?" tanong ko sakanila na agad ikinatawa ni Neville at Ron. Narinig ko pa nga na sinabi ni Ron "Ano bang problema nitong mga bugok na ito." Which is true.

"Sa mata ni Von, Annicka." Jorgy said and he chuckled.

"Change kasama na nga lang. Ako na ang sasakay kay George, Annicka kay Von ka. Para kumalma ang mga nagwawalang bulate sa tiyan ng mga torpe." natatawang dagdag ulit ni Jorgy.

Minsan talaga hindi ko maintindihan itong pinagsasabi nito eh. Jusko, o masyado lang akong slow.

Nakita kong lumipat ang mga mata ni Von kay Jorgy at parang handa na niyang patayin ang pinsan.

"Well that's better. You saved my life, twin." agad na sabi ni George.

Nag-apir ang dalawa habang tumatawa. Pero si Neville at Ron mukhang nalilito rin sa pinagsasabi ng kambal, na kagaya ko, kaya pinaandar na lang ni Ron ang sasakyan.

Hinarap ako ni Von at tinignan ng masama. His dark eyes are giving me shivers down my spine.

"Let's go." he demands.

Agad lumakas ang tibok ng puso ko, mukhang mas gugustuhin ko na lang na sumakay kay George at magdasal. Naiilang talaga ako pagdating sakanya. Hindi ko lang talaga pinapahalata.

Umandar na ang sasakyan nina George at may sinabi ito na hindi ko marinig pero nabasa ko naman sa bibig niya.

"Goodluck."

Umalis na sina Ron at Neville, bumusina sila at hindi rin nagtagal ang kambal. Lumapit ako kay Von. Kinakabahan, natatakot, ewan. Bahala na.

"Come on." si Von at nakasakay na sa itim na big bike niya.

Dahan-dahan akong lumapit. Kumapit ako sa balikat nito, at agad na umupo patagilid.

Namula ako nang dahan-dahan ko siyang niyakap sa tiyan. Nakita ko ang pagyuko ni Von, na para bang tinitignan nito ang mga kamay kong dumapo sakanya.

I feel how hard his tummy is. I know that the Dela Vega cousins have jaw-dropping abs. Actually, sanay na ako at nakikita ko naman iyon kapag nagca-car wash sila. May iba lang talaga ngayon na hindi ko matukoy.

Lalo kay Von pa ako nakayakap. Si Von na medyo masungit, si Von na bossy, si Von na highblood.

The four Dela Vega cousins, if I'm with them I'm comfortable. But this Von Dela Vega, since we were in elementary, he has this dark vibes and cold aura to me.

"Hug me tight, Annicka." he said in strong and manly voice.

Agad akong lumunok. Nakakahiya!

"Huwag na, tama na 'to." mahinang sagot ko.

Narinig ko ang munting tawa nito na parang nanunuya. Then in a blink of an eye, we are now moving fast. Nanlaki ang mata ko at yumakap ng mahigpit kay Von. Nakita ko na rin ang apat na nauuna sa amin.

"Dahan-dahan naman, Von!" sigaw ko sa lalaking ito. But damn, he just laughed.

"I told you that you should hug me tight. If you don't want to follow my orders then I'll make a way for you to follow it." sabi nito.

Kung hindi lang ito tumatawa, matatakot na sana ako sa sinabi niya eh. Tignan mo nga naman. Ang bossy!

Inirapan ko na lang siya na parang nakikita ako. At paglipas ng ilang minuto, natatanaw ko na ang dagat ng Sta. Luciana.

Nang makarating kami sa isang kubo dito, agad na huminto sina Ron, George at si Von. Dito nila iniiwan ang mga big bike nila.

Ngumiti ako sa nakakahalinang dagat ng Sta. Lucianna. Puti ang buhangin, maraming puno ng niyog ang nakahilera, kalmado ang dagat at malinaw ito. Gusto ko na tuloy maligo.

Walang alinlangan akong bumaba sa big bike ni Von, inalalayan naman niya ako gamit ang kanang kamay nito.

Hindi ko na sila inantay at tumakbo na ako papunta sa dagat. Narinig ko ang pagtawag saakin ni Neville pero hindi ko na nilingon.

Naka-shorts naman ako ng maong, at kulay itim na spaghetti strap na damit. Ayos na ito para maligo. Tsaka hindi pa ako handa na magsuot ng two-piece. Wala akong maipagmamalaki sa katawan ko kasi ang payat ko naman. Ni kaunti pa sanang boobs, wala pa eh. Naalala ko tuloy nung Junior High ako, inaasar ako nina George at Jorgy na "flat."

Agad akong lumusong sa tubig. Pumunta ako sa medyo malalim. Ang lamig at linaw ng tubig ay sapat na saakin para mapagaan ang loob ko.

Lumingon ako sa banda nina Neville. Papunta na sila dito, pero wala doon si Von.

Kumunot ang noo ko, saan nanaman kaya nagsusuot iyon?

Biglang umihip ang malakas na hangin sa aking mukha kaya medyo natakot ako. Naalala ko tuloy iyong mga pating na napanood ko.

Aalis na sana ako ng biglang may yumakap sa akin patalikod. Agad akong napatili.

Lumingon ako doon at si Von ang nakayakap sa akin. Umiigting ang panga at nagmumura ito.

"Baby girl, why so stubborn?" parang nahiya ang lamig ng tubig sa boses niya at nakatingin ito ng masama sa akin.

Parang nalunok ko ang dila ko at hindi nakasagot.

A-Anong nagawa ko?

Escaping From Dela VegaWhere stories live. Discover now