NAPANGITI si Cana ng salubungin siya ng yakap ng anak pagpasok niya ng bahay.
"Hi anak, how's school?"
Humalik sa pisngi niya si Simon.
"Okay naman po. May quiz po kami sa math kanina eh," sagot nito.
"And, how is it?"
Biglang lumapad ang pagkakangiti ni Simon, sabay labas ng papel mula sa likod nito.
"Mommy, I got a perfect score!" proud na sagot ng anak.
"Wow! Very good Dahil diyan, anong gusto mo kainin mamaya?"
"Iyong favorite kong pasta, Mommy!"
"Okay," sagot niya.
"Yehey!"
Mula sa labas ng laundry area ay lumabas ang stay-out na kasambahay niya na si Manang Cely.
"Hi Manang, kumusta po?" nakangiting tanong niya.
"Ay Ma'am, nandito na po pala kayo,"
"Kakarating ko lang din,"
"Kumusta dito sa bahay?" tanong ni Cana.
"Ayos naman po. Ginawa agad ni Simon ang assignment niya pagkatapos kumain ng meryenda, tapos nagpaalam maglalaro dito sa katabing unit kasama kaibigan niya. Halos kababalik lang ni Simon dito, mga fifteen minutes pa lang."
"Anong gusto mong kainin? Para makapagluto ako bago umalis," tanong ni Manang Cely.
"Ay hindi na Manang, ako na po ang magluluto at nagre-request si Simon ng favorite niyang pasta," sabi pa nito.
May sasabihin pa sana ito ng marinig nilang nag-ring ang cellphone nito. Napansin niya na bumakas ang bahagyang pagkagulat sa mukha ng kasambahay ng makita kung sino ang tumawag. Pagkatapos ay parang natataranta ito at hindi tinanggap ang tawag.
"Bakit hindi mo sinagot? Baka importante 'yon," tanong pa niya.
"Naku Ma'am, hindi po. Iyong anak ko lang 'yon, nangungulit kanina pa," sagot nito.
"Ah," usal niya.
"Manang, hintayin mo na 'yong pasta na iluluto ko. Para makakain ka bago umalis," sabi pa niya.
"Ay hindi na po!" mabilis na tanggi ni Manang Cely.
"Sigurado po kayo?"
"Oo Ma'am, ayos lang. Saka masyado po akong gagabihin sa daan," sabi pa nito.
"O sige, kung hindi ba kayo mapigilan eh," aniya, pagkatapos ay kumuha siya ng dalawang daan at inabot iyon sa kasambahay.
"Iyan na lang, Manang. Pamasahe mo," sabi pa niya.
Ngumiti sa kanya ang pobreng matanda. "Salamat Ma'am," sagot nito.
"Ingat po kayo," aniya, pagkatapos ay inasikaso na ang pagluluto.
Ang stay out niyang kasambahay na kung tawagin nila ay Manang Cely ang kasama at pinagkakatiwala niya sa anak. Sinasamahan nito si Simon hanggang sa makauwi siya sa gabi at babalik na lang ito kinabukasan mga alas-diyes ng umaga para sa mga gawain bahay at sunduin sa school si Simon sa hapon. Mabait naman si Manang Cely at palabiro, kaya naman panatag si Cana kahit wala siya sa bahay. May mga in-install din siyang secret camera sa buong bahay na tanging siya lang ang nakakaalam, para lang makasiguro sa safety nila. So far naman, sa tuwing niri-review niya ang mga recorded footages, wala naman ginagawang kalokohan si Manang Cely. Sa katunayan ay ang Ate Maxine niya ang nagpalagay ng mga iyon para sa kanilang mag-ina. Dahil sa bahay nila sa Manila ay may CCTV sa bawat sulok ng bahay, maliban sa CR. Nakilala niya si Manang through agency, marami ang nagsasabi sa kanya na mag-ingat sa pagkuha ng kasambahay sa mga agency dahil ang iba sa mga ito ay nagnanakaw at kasama sa sindikato. Pero sa ilang buwan nilang pagsasama, napatunayan ni Cana na mabait naman ang matanda.

YOU ARE READING
Double Chocolate (Sequel of Little Cupcakes Series: Blueberry Cheesecake)
Romance"Hindi pa ako puwedeng mamatay, papakasalan pa kita." TEASER: For Cana, her son Simon means the world to her. Noong mga panahon na tinalikuran siya ng mga taong inakala na unang susuporta sa kanya habang pinagbubuntis ito. Tanging sa anak siya kum...