CANA IS wearing a simple haltered white ivory lace dress, hanggang hita ang length niyon at beige high heeled shoes. Plus, earrings and simple bracelet and watch for her accessories. Ayon sa kaibigan niya na si Roan ay sa isang five-star hotel daw gaganapin ang reunion nila. Hindi na siya nagulat, galing siya sa Unibersidad na karamihan ng mga estudyante ay anak ng mga negosyante o kilalang artista o politico. At hindi na rin siya magtataka kung magpapatalbugan ng suot ang mga dating kaklase. Basta siya ay sinimplehan lang niya ang suot.
Pagpasok ng lobby, biglang natigilan si Cana ng makasalubong ang Daddy niya doon, kasama ang mga staff nito. Maging ang ama ay tila nabigla ng makita niya. Nang mga sandaling iyon, Cana realized one thing. Her own father already becomes a stranger to her. Hindi niya alam kung paano ito ia-approach. That's how they grew apart. Tumikhim siya at pinilit na ngumiti sa ama, lumapit siya at humalik sa pisngi nito. Bumati naman ang staff ng ama sa kanya.
"Hi dad," aniya.
Tumango lang ito. "Anong ginagawa mo dito?" may awtoridad sa tinig na tanong nito.
"May reunion po kami ng mga college batchmates ko," sagot niya.
Muli itong tumango-tango. "Mabuti na rin na narito ka, dumaan ka mamaya sa bahay at may pag-uusapan tayo," sabi nito.
"P-po?" tanong niya.
"Hihintayin kita," sa halip ay sabi nito.
Nalilito man ay tumango na lang si Cana. "Yes Dad," sagot niya.
"Ah, kumusta na ang anak mo?" tanong ulit nito.
Parang may humaplos sa kanyang damdamin. That was the first time, he ever asked about her son. Pakiramdam ni Cana ay gusto niyang maiyak ng mga sandaling iyon. Ngunit pinigilan niya ang sarili saka ngumiti dito.
"Okay naman po si Simon, nakaka-recover na siya sa trauma. Malaking tulong na dinala siya ni Ate Maxine sa Japan noong bakasyon," sagot niya.
"That's good. Kapag walang pasok, dalhin mo siya sa bahay," sabi pa nito.
That's another miracle for her. Ang kumustahin ng Daddy niya ang kanyang anak ay malaking bagay na para kay Cana. Lalo na ang marinig itong imbitahan sa bahay nito ang anak niya.
"Si-sige po," nauutal na sagot niya.
Tumikhim ang ama saka agad din umalis. Napangiti si Cana habang nakasunod ng tingin sa ama. Sumilay ang pag-asa sa kanyang puso na darating ang araw na muli silang magkakasunod at hindi na nito ido-dominate ang buhay niya. Huminga siya ng malalim saka dumiretso na sa venue ng reunion nila.
Palapit pa lang si Cana sa venue pero grabe na ang kaba niya. Agad siyang pinagbuksan ng pinto paglapit niya doon, bumungad sa kanyang harapan ang maganda at eleganteng pagkaka-ayos ng maliit na hall.
"Oh my God! Simone!" bulalas ni Roan.
Napawi ang kaba niya ng makita ang pinakamalapit na kaibigan. Agad itong yumakap sa kanya paglapit.
"Grabe girl, you look so pretty! Sabi mo kanina, you're not as glamorous as before. Well, you're wrong! You're gorgeous as well, my gosh!" puri nito sa kanya.
Napailing na lang siya. "Tumigil ka nga, mga paandar mo," sagot niya.
Mayamaya ay nilapitan na rin siya ng iba pang mga kaibigan.
"Nakakainis ka naman, girl! Ikaw itong may anak na, pero mas sexy ka pa sa amin. Tingnan mo naman ang liit ng beywang mo sa amin," reklamo ng isang classmate niya.

YOU ARE READING
Double Chocolate (Sequel of Little Cupcakes Series: Blueberry Cheesecake)
Romance"Hindi pa ako puwedeng mamatay, papakasalan pa kita." TEASER: For Cana, her son Simon means the world to her. Noong mga panahon na tinalikuran siya ng mga taong inakala na unang susuporta sa kanya habang pinagbubuntis ito. Tanging sa anak siya kum...