CHAPTER TEN

3.5K 131 16
                                        

"MA'AM CANA, naku wala po si Sir Ice dito sa presinto, mayroon po kasi kaming hawak na malaking rape case. Nasa Bicol po si Sir ngayon, doon po kasi nagtatago 'yong suspect," sagot ng kasama ni Ice ng sadyain ni Cana ang binata doon sa presinto.

"Kailan daw ang balik?" tanong niya.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Noong isang araw pa po sila doon, baka ngayon o bukas ng gabi ang balik ni Sir. Depende pa po iyon kung mahuli na nila ang suspect," sagot ulit ng kasama nitong pulis.

Nakaramdam ng lungkot si Cana. Magda-dalawang linggo na silang hindi nag-uusap ni Ice. O mas tamang sabihin na, hindi siya kinakausap nito. She tried talking to him, sent message, called him, pero hindi nito sinasagot ang kahit ano sa mga iyon. Ilang beses na rin niyang pinupuntahan si Ice sa presinto nito, pero palaging wala ang binata. Apat na araw na ang nakakaraan ng pumunta siya doon, pero hindi rin niya nakausap ang binata, ang sabi naman ay kasama ito sa mga rumesponde sa isang bank robbery. Aaminin ni Cana, may mga pagkakataon na gusto na lang niyang bumitaw sa relasyon nila ni Ice.

"Sige, Salamat," sagot niya.

"Sige po," anang pulis.

Patalikod na sana siya ng may maalala.

"Excuse me, pasensiya na, pero may isang tanong na lang ako," habol niya sa pulis.

"Ano po iyon?"

"Iyong sugat niya sa balikat, iyong nakuha niya sa operation nila sa Isabela. Magaling na ba?" tanong niya.

Ngumiti ang pulis sa kanya.

"Ay opo, magaling na po si Sir. Huwag na kayong mag-alala," anito.

Napalingon silang dalawa ng pulis ng makita na tumatakbo si Simon papasok ng presinto.

"O, bakit ka bumaba? Di ba sabi doon ka lang sa kotse?" aniya sa anak.

"May gusto lang po akong ipabigay kay Daddy idol, Mommy," sabi ni Simon.

Lumapit ito sa pulis saka inabot ang isang papel na may drawing na pulis at isang bata.

"Sir, puwede n'yo po ba ibigay ito kay Idol Chief?" tanong ni Simon.

"Sige boy, akong bahala," nakangiting sagot nito.

"Saka po pakisabi, miss na miss ko na siya, at lagi ko po siyang hinihintay," bilin pa ni Simon.

Hindi agad nakakibo ang pulis, sa halip ay nakatitig lang ito kay Simon. Mayamaya ay napangiti ito saka ginulo ang buhok ng anak niya.

"Mahal na mahal mo talaga si Sir, ano? Hayaan mo, sisiguraduhin ko na makakarating ito sa kanya. Ilalagay ko ito doon sa ibabaw ng table n'ya," anang pulis.

"Thank you po!" nakangiting sagot ni Simon.

"Salamat ulit," sabi naman ni Cana.

Humawak sa kamay niya ang anak habang palabas sila ng presinto.

"Mommy,"

"Hmm?"

"Ayaw na po ba sa atin ni Daddy Ice?"

Napahinto siya sa paglalakad pagkatapos ay humarap sa anak. These past few days, Simon has been looking for Ice. Alam niyang miss na miss na ng anak niya ang binata. Gaya ng kung paano niya ito nami-miss.

"Of course not, sobrang busy lang siya," tanggi niya.

"Mommy, alam ko naman po na may problem kayo ni Daddy Ice, lately, I

Double Chocolate (Sequel of Little Cupcakes Series: Blueberry Cheesecake)Where stories live. Discover now