CHAPTER 30

106K 2.8K 990
                                    

Chapter 30

"BUTI naman nandito ka na, iha. Kanina pa nila pinagkakaguluhan 'yung table mo."

Gulat na gulat ako sa aking naabutan sa ibabaw ng office desk ko pagkadating ko ng opisina. Halos sakupin na ng mga mamahaling tsokolate ang ibabaw ng lamesa. May nakapatong ding isang bouquet ng preskang mga rosas.

"Kanino ho galing ang mga ito?" wala sa sariling tanong ko kahit na may ideya na ako kung sino ang naglagay.

"Hindi ko rin alam. Pagkadating ko nandito na 'yan. May card naman yata, tingnan mo na lang. At saka, sigurado ka bang wala kang manliligaw? Baka naman isa sa mga manliligaw mo 'yan," tukso ni Tita Jocelyn.

Awkward akong ngumiti. May card ngang nakasabit sa bulaklak. Nang basahin ko'y hindi na ako nagulat.

My life is like a garden. There were so many beautiful flowers but I'd always pick you up. I love you.

-Sid

At ano'ng gusto niyang iparating? Na madadala niya ako sa mga pa-bulaklak at tsokolate niya? I scoffed inwardly.

"Ahh, Tita, sa inyo na lang po ito at ipamigay mo rin sa iba kung ayaw n'yo. May allergy kasi ako sa chocolates at saka ayaw ko ring dalhin 'yan sa bahay at baka magka-tooth decay lang ang anak ko."

Nanlaki ang mga mata ni Tita Jocelyn.

"Ha? Sigurado ka ba? Aba'y mukhang ang mamahal pa naman ng mga 'yan."

"Hindi ho, kunin n'yo na po. Pati na rin itong mga bulaklak, hindi ko type."

Napipilan si Tita Jocelyn. Ngunit hindi ko na siya hinintay na sumagot. Ako na mismo ang naglipat ng mga tsokolate sa lamesa niya. Ang bulaklak naman ay inilagay ko malapit sa trash bin. Napatigil lang ako nang mapansing nagkagulo ang mga officemates ko. Ang iba ay sumisilip sa station ko.

Gano'n na lang ang gulat ko nang pagkaharap ko'y sumalubong sa akin ang mukhang ilang araw akong hindi pinatulog.

"Nagbago na pala ang taste mo sa bulaklak. Hindi mo na siya nagustuhan," mapait niyang komento.

He's wearing a dark blue V-neck shirt paired with Khaki shorts. Bumabakat ang matipuno niyang dibdib sa suot niyang T-shirt. He looked handsomely fresh yet there are dark circles under his eyes. Mukhang ilang araw na hindi natulog.

"People change, Mr. Dela Vega."

Nakita ko ang pagngiwi ni tita Jocelyn at bigla siyang nag-excuse saka umalis. Marahil ay gusto niya kaming bigyan ng privacy ng bwisita ko. Gusto ko sanang magprotesta ngunit walang lingun-lingon siyang nagmartsa paalis.

"It's my entire fault anyway."

His eyes breamed with pain and regrets. I sensed the sincerity in his intentions but I just can't find myself to give him a chance. Paano ko patatawarin ang taong nanakit sa akin kung hanggang ngayon nakatarak pa rin sa puso ko ang patalim ng nakaraan?

"Seriously, hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa kaming guluhin ng anak ko. Hindi ka namin pinapakialaman kaya sana naman ay huwag mo rin kaming pakialaman. Hindi mo ako madadala sa pa-bulaklak at tsokalate mo. Kahit magtayo ka pa ng hardin sa harapan ko, hinding-hindi mababago ang katotohanang wala na akong pakialam sa 'yo. Kaya puwede ba? Tama na."

"Love, please hear me out-"

"Noong nagpapaliwanag ba ako, pinakinggan mo ako? Hindi, 'di ba? Tinulak mo ako palayo na parang basura. You didn't even give me a chance to speak. At ngayon, ang kapal mo naman para sabihing pakinggan kita! How's the feeling?" I mocked, "Masakit, 'di ba?"

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon