Chapter 1

3.3K 41 1
                                    

Lauren's POV

Nakangiti akong nakatingin sa labas. Nandito ako sa kotse ko. It's Sunday at pupunta ako sa birthday ng isa sa matalik kong kaibigan. 19th Birthday niya ngayon. Actually, isang taon lang ang tanda niya sa akin.

Btw, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Lauren Queenzelliza Starklon. Ang nagiisang babae sa pamilyang Starklon. At ang pinakamaganda rin sa buong mundo. Charot!

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa house ng kaibigan kong si Kriza Mae Smith. Bumaba ako sa kotse ko at naglakad papasok sa gate nila. Pag pasok ko palang ay bumungad sa akin ang maraming tao at malakas na tugtog.

At dahil maganda ako, nakatingin sa akin ang mga tao. Ang mga lalaki ay nakatingin sa akin na akala mo ay hinuhubaran ako. Ang mga babae naman ay nakataas ang kilay sa akin. As if mamamatay ako sa tingin nila diba?

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang table ng mga kaibigan ko kasama ng birthday girl. Naglakad ako na parang ako ang sikat sa gabing ito. Confident ako dahil kung sa panglabas na kaanyuan naman ang titignan, may ilalaban ako. Maliit ang bewang ko at malaki ang balakang. Matambok ang aking pang-upo at malaki ang aking hinaharap. Maputi din ako.

Nakasuot ako ng black backless dress na above the knee. At nakasuot ng 4 inches heels.

Nang makarating sa table ng mga friends ko ay nagulat sila.

"Hi girls! Hi birthday girl!" Bati ko at nakipagbeso sa kanila. Gulat parin ang expression ng muka nila. "Hey! Bakit parang nakakita kayo ng multo?" Tanong ko. Duon naman sila natinag.

"L-lauren! You're here!" Di makapaniwalang sabi ni Kriza.

"Of course! Birthday mo kaya!" Sabi ko. Umupo naman ako sa tabi niya.

"I thought you are grounded for two months." Sabi naman ng isa ko pang friend na si Akira Shane Twico, 18 years old.

"Duh! Ako pa ba?" Mayabang na sabi ko at hinawi ang maalon kong buhok na hanggang puwet. Napatawa naman sila.

Yup! Grounded ako for 2 months. That was my Daddy said. As if susunod ako diba? Por que na-guidance lang ako? Tss.

"So...btw girl, ininvite ko si Higad." Ngiting nakakalokong sabi ni Kriza.

"Really? Do you have any plans for her?" Excited na tanong ng isa ko pang friend si Jessicka Lane Buenaflor, 18 years old.

"Yup! I always have a plan for her, you know that!" Nakangiting sabi ni Kriza. Napangisi naman ako.

Ang tinatawag nilang higad ay si Chloe Anne Sarmiento, 18 years old.

Ilang sandali pa ay nagpaalam si Kriza. "Girls punta lang ako sa harap ok? Kailangan daw marinig ang pinakamaganda kong voice eh!" Sabi nya.

"Go, Kriza! Don't come back!" Pagtataboy ko sa kaniya. She just rolled her eyes.

"Good evening ladies and gentlemen. Thank you for attending my 19th birthday party. I'm very happy tonight. If you need anything, ask the waiters ok? That's all. Enjoy the party guys!" Litanya niya. Napangisi ako.

Bumalik na siya sa table namin ngayon.

"How's my speech? Is it good?" Tanong niya.

"Boring." Honest na sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hoy Lauren! Mahal ang mga salitang lumalabas sa bibig ko huwag na huwag mong sasabihing boring!" Maarteng sabi niya. Inikutan ko siya ng mata.

"Whatever!" Nasabi ko nalang.

Living with Six Hot ManiacWhere stories live. Discover now