Chapter 4

1.7K 42 4
                                    

Lauren's POV

     Pumunta ako sa library para sana magbasa, pero naabutan ko duon si Red na naka headphone lang at nag do-drawing. Tumaas ang kaliwang kilay ko.

Sinara ko ang pinto at lumapit sa kaniya. Di niya ako napansin kasi nakafocus siya sa drawing niya. Tinignan ko ang drawing niya. Isang babae na nakasuot ng isang dress na kulay red na hanggang tuhod na off-shoulder. Nakatagilid ito pero nakaharap ang muka. Ang kamay naman nito ay parang may inaabot na isa pang kamay. Maganda ang buhok nito. Nakamessy braid ito pero maganda. Pero nagtataka ako, walang muka ang babae. Sa kabila nun, napairap ako.

Pakialam ko ba?

Di ko nalang pinansin at pumunta sa mga libro kung saan naroon ang libro sa Math, Science and English. Mag a-advance review na ako para sa darating na exam next, next week. Kinuha ko ang tatlong libro na tig 2 1/2 inches ang kapal at maglakad palabas. Binuksan ko na ang pinto pero nakaramdam ako nang may nakatingin sa akin. Tumigil ako at tumingin kay Red. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. At nang makita niyang nakatingin ako, agad siyang nag iwas nang tingin at parang natatarantang binaling ang atensyon sa drawing. Nagkibit-balikat nalang ako at tuluyan nang lumabas ng library.

Umakyat ako sa taas kung saan ang kwarto ko at pumasok ruon. Nang makapasok at sinara ko rin ang pinto.

Inilapag ko ang mga librong kinuha ko sa study table. Kinuha ko ang libro sa English at nagsimulang mag review.

-----

[3 HOURS LATER...]

*TOK* *TOK* *TOK*

Natigil ako sa pagrereview ng English nang makarinig ako ng katok.

"Who's there?" Sigaw ko.

"Si Manang ito, iha." Sabi ng tao sa labas.

"Pasok ka ho." Sigaw ko. Binuksan niya naman ang pinto at nakita ko si Manang na may dalang lasagna, garlic bread at isang pineapple juice. "Wow naman Manang! Salamat po!" Sabi ko.

"Nako iha! Tatlong oras ka na dito sa kwarto mo. Alam kong gutom ka na." Sabi ni Manang. Napatingin ako sa relos ko.

Fvck? 3 hours na pala akong magrereview?

"Ganun po ba? Nako di ko po namalayan yung oras. Salamat Manang ha. Eh...ano pong ginagawa nung anim na kulugo dun?" Tanong ko. Natawa naman si Manang sa sinabi ko. Bansagan ko ba namang 'kulugo' eh.

"Hayun, okay naman.
Nagsisigawan sa takot sa baba. Nanunuod kasi ng nakakatakot na palabas. Mga lalaking yun! Parang mga bata." Natatawang sabi ni Manang. Napangisi ako.

"Ahh...sige po Manang...salamat po." Sabi ko. Tumango si Manang at umalis  na.

Pagkasara na pagkasara ng pinto ng kwarto ko, kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Akira.

"What do you want?" Pagsagot ni Akira sa tawag ko. Para siyang bored na bored sa way nang pananalita niya. 

"I need you to find an information about Vergara Brothers. I need it ASAP." Utos ko.

"Finally! May gagawin nadin! Hayy nako! Boring dito sa condo no!!" Sabi ni Akira.

"Ok. Faster." Sabi ko pa. Narinig ko pang nag 'tss' si Akira bago binaba ang phone. Ilang sandali pa ay nakatanggap na ako ng Information.

Napangisi ako sa mga information na nabasa ko. Nalaman ko din ang history ng family nila at kung anong klaseng buhay ang meron sila. At napapangisi ako sa mga nalaman ko. Maraming kalokohan at katarantaduhan ang pumapasok sa isipan ko ngayon.

Living with Six Hot ManiacWhere stories live. Discover now