Chapter 3

1.8K 42 5
                                    

Lauren's POV

@STARKLON'S MANSION

     Pinark ko na ang sasakyan ko at bumaba. Dire diretso ako pumasok sa bahay. Nakarinig naman ako ng mga nagtatawanan.

"Luh hindi ah! Di ko nga nagalaw yun. Mandiri ka. Ang dami nang nakapasok dun eh." Rinig kong sabi ng isa sa kanila.

"Peste! Nandito pa pala ang mga hinayupak." Mahinang sabi ko. Nag dire diretso lang ako sa paglalakad.

Pero natigil ako nang may tumawag sa akin.

"Hi Lauren. How's your day?" Tanong ng naka yellow. Si Kevin. Mataray ko siyang tinignan.

"Good. Naging bad nga lang nang makita ko kayo." Napangiwi naman siya. Inasar naman siya ng mga kapatid niya.

Mga baliw!

Umakyat na ako sa kwarto ko upang magbihis. Paglabas ko, naabutan kong dumaan si Manang Anna.

"Manang...kailan alis nila Mommy at Daddy?" Tanong ko.

"Ay nako iha! Hindi mo ba alam? Umalis na sila kanina pagka alis mo." Sabi niya. Natulala ako.

What? Umalis na sila? Bakit di nila sinabi sakin?

"Sige iha. Maglalaba pa ako." Paalam ni Manang. Tumango lang ako.

Walang buhay akong bumaba.

Naabutan ko sa kusina ang anim na lalaki na nagtatalo.

"Tae naman Kurt! Hotdog nalang yan ah! Sunog pa!" Sabi ng naka violet. Si... Kyle? Ah yun.

"Eh di ikaw magluto. Ikaw nga yung sopas mo nilagyan mo ng ketchup eh. Nilalagyan ba ng ganun yun?" Sagot naman nung naka brown na si Kurt. Napangiwi naman ako.

"Ano ba yan, Kiehve? Bakit ganyan yung Juice? Bakit nilagyan mo ng madaming asukal?" Tanong ng naka blue..si...sino ba to? Si...Kieth?

"Para matamis." Sagot ng kakambal na nakaitim pero pula ang mata si Kiehve.

"Oh Klyde! Ano nang nangyari sa niluluto niyo?" Tanong ni Kieth dun sa naka green na Klyde daw.

"Huh? Nagtataka nga kami ni kuya Kevin bakit di pa lumulutang eh." Sabi ni Klyde.

"Ano ba niluluto niyo mga kuya?" Tanong ng bunso na si Kurt.

"Nagluluto kami ng boiled egg. Isang oras nang kumukulo itong itlog pero di pa lumulutang. Diba lulutang yun?" Inosenteng tanong nung naka yellow na si Kevin. What? Lulutang? Kailan pa lulutang ang itlog pag luto na?

Binatukan siya nung naka blue na si Keith.

"Tanga! Di naman kasi sa tubig pinapakuluan yan eh! Sa mantika!" Sabi nito. What? Sa mantika? San niya nakuha yun?

Napailing nalang ako. Natatawa ako sa mga itsura nila. Para silang mga bata na pinipilit na magluto.

"Anong ginagawa niyo rito?" Mataray na tanong ko. Lahat naman sila ay natigilan at tumingin sa akin.

"Ahm..." Hindi sila makasagot. Nakataas lang ang kilay ko sa kanila.

Naglakad ako papasok. Tinignan ko ang niluto nitong naka brown.

Living with Six Hot ManiacWhere stories live. Discover now