May "Chemistry"

8K 188 5
                                    

Chase POV


Hindi ko alam kung anong meron sa araw na to at nagawa kong makipag usap sa taong di ko kilala. Ewan ko, ayoko kasi ng may umiiyak. Lalo na pag babae, palagi ko kasi nakikita umiiyak si mommy na umiiyak dahil sa kawalan ng oras ni daddy sakanya. Kaya sabi ko sa sarili ko, ayoko ng may makikita akong babaeng pinapaiyak.


Papunta na ako ng second class ko ng may marinig ako sa second floor na nag iingay.. Pag ka akyat ko ay agad kong nakita ang isang grupo na may pinag didiskitahan na 1st year student.


"Ano?!! Luluhod ka ba samin o tatakbuhin mo buong UP mamaya ng wala kang sapatos"


"Parang awa mo na. Unang araw ko pa lang to, kung nabangga ko man kayo kanina patawad, malabo kasi talaga yung mata ko."


Akmang sisipain na niya yung babae ng bigla akong lumapit kay Cordova at sinapak siya....



"P*tang*na!!!!!!"


"Bakit Cordova? Bakla ka ba? Para pumatol at manipa ng isang babae?"


"Tara na Pat, si Xenon yan. Tumayo ka na. Umalis na tayo"



"Magbabayad ka Chase. Tandaan mo to."



Yadada. Bla bla bla. Dami pa sinasabi netong punyetang Cordova na to. Bading naman, kalalakeng tao pumapatol sa babae. Tinignan ko yung kamay ko. Punyeta nasugatan pa ko dahil sa walang kwentang lalaki.


Maya maya pa ay inalalayan ko tumayo ang babae, at pinapasok ko na lahat ng mga istudyante sa kanilang mga kwarto.


Palakad na sana ako ng biglang nagsalita yung babaeng tinulungan ko.


"Salamat, Ate Chase."


Sabay pumasok sa kanilang silid. Bago ako lumakad papasok sa susunod kong klase ay may narinig akong sumigaw...


"Chase!!!!"


"Chase!!!!"


Pag lingon ko ay ang best friend kong hingal na hingal na patakbong lumapit sakin..



"Hey, baby okay ka lang? Bat mo pinatulan si Cordova? Alam mo naman yun eh. Bat pinatulan mo pa? Patingin nga ng kamay mo. Sinaktan ka ba niya. Kamusta ka n......"


Natawa na lang ako kay Steph, hay para ko talaga tong nanay. Hinawakan ko siya sa balikat at sinabi kong okay na ko at wag na siya magalala pa. Nakita ko naman na biglang lumiwanag ang mukha niya at niyakap ako ng mahigpit..


"Thank God! Hay baby next time iwas na sa gulo okay? Ayoko na gagasgasan tong kamay mo dahil lang sa walang kwentang bagay."


Grabe talaga to maging concern. Natatawa ako sakanya.


"Akala ko kasama mo boyfriend mo? Bakit bigla atang naparito ka?"


"I'm here because of you Chase. Nung narinig ko sa mga students kanina na nagkakagulo at may sinapak ka iniwan ko agad si Jaime. Alam mo super worried ako sayo. Just promise me baby na di mo na to uulitin okay? Sorry dahil di kita nasamahan kanina."


"Hey, Steph, I'm fine with it. So please stop worrying and promise as long as walang taong nabu-bully hindi ako gagawa ng gulo. Cheer up na bes! Hindi bagay sayo yan"


Encounter (GxG) CompletedWhere stories live. Discover now