Wtf!

3.3K 74 3
                                    

Gwen POV

Maaga akong nagising ngayong araw dahil excited na ko sa outing namin. Mga 3 days din yon. So sino ba naman hindi ma eexcite diba? Yung dalawa kong kaibigan ay dito na rin natulog, para daw sabay sabay na kami pumunta kila Chase.

Habang busy ako sa pagaayos ng mga dadalhin ko ay bigla naman pumasok yung tatlo sa kwarto. (Ate, Zoey, Beth). Hindi ko naman maiwasan na makinig sakanila.

"So anong meron kay Zane? Bat niya ginawa yon?" Rinig kong sabi ni Ate Cathy. Si Zane yung kapatid pa na babae ni Zoey. Yung isa sa mga awardee last time. "Ewan ko ba don, kung ano ang kina loko ko sa babae. Siya naman tong sobrang seryoso pag dating sa relationship." Rinig kong sabi niya. "E kamusta na daw ba sabi nila Tita?" Tanong sakanya ni Beth. "Ayun, under observation pa. Kakausapin ko sana para pagalitan kaso sabi ni daddy, hindi eto yung tamang time." Rinig kong sabi niya at dahil don ay di ko maiwasan makisabat.

"Ayan, sa sobrang babaera mo kasi. Sa kaptid mo napupunta yung karma. Kaya kung ako sayo tumino tino ka na." Sabi ko sakanya at nakita ko naman na napakamot siya. "Oo tama si Gwen, saka good catch na si Avery. Alam mo bang dami nagkaka gusto don." Rinig kong sabi naman ni Beth. "E ikaw ba Zoey nagtino ka na talaga? Di ka na ba nambababae?" Rinig kong tanong ni Ate at lahat naman kami ay nakatingin sakanya. "Papano ko magagawa yun? E halos lahat ng kilos at galaw ko bantay sarado niya." Rinig namin reklamo niya at napatawa naman kami dahil don.

"Mukhang nakahanap ka na ng katapat mo a, Zoweng!" Pagaasar sakanya ni Beth at bigla naman siyang sumimangot. "Hindi siya yung katapat ko, iba. Iba ang katapat ko." Rinig namin sabi niya at umiling iling na lang kami. Hay nako! Eto talagang si Zoweng eh. Habang busy ako sa paglagay ng mga damit ko ay bigla naman napatingin sakin si Zoey. "Bes, pwede magtanong?" Rinig kong sabi niya.

Napatingin naman ako sa tabi niya. "Shoot! Ano yon?" Sabi ko sakanya at diretsang tumingin lang siya sakin at nagsalita. "Nag sex na ba kayo ni Chase?" Pagkasabi niyang yon ay bigla naman nabuga ni ate yung kinakain niyang fruit salad. Nabugahan niya tuloy si Zoey. "Ate naman eh!" Inis na sabi sakanya ni Zoey. Maging si Beth ay nagulat rin sa tanong niya. "Hindi! At bat naman kami mag gaganon!" Inis na sabi ko sakanya sabay iwas ng tingin. "E? Anong ginawa niyo sa kwarto niya non?" Takang tanong niya. "Edi nagusap lang. saka hug, ano gusto mo gawin namin? Sex agad?" Inis kong sabi sakanya at bigla naman siya napatawa. "Bes, isusuko mo na ba ang bataan kung sakali?" Rinig kong sabi niya. Bigla naman tuloy akong napasip dahil sa sinabi niya.

Ang totoo niyan kasi....

Flashback.

Pagka akyat namin ng kwarto niya ay syempre nagulat ako. First time ko kaya makapasok sa kwarto niya. Pagka pasok ko ay nakita ko yung mga pictures sa table niya. Pictures niya nung bata pa siya. Family picture, pati mga awarding pictures. Pero agad kong napansin yung nagiisang picture na malapit sa kama niya. Yung picture nila ni Steph. Graduation nila nung high school. Nasa likod niya si Steph non, na naka yakap sakanya habang nakaharap siya. Tas pilit niyang iniiwas yung mukha niya kasi hinalikan siya sa pisngi. Mukhang masayang masaya sila non. Bigla naman tuloy ako nakaramdam ng pain sa puso ko. Pero naisip kong nakaraan na to eh, ako na yung Mahal niya ngayon. Hanggat maaari ayoko na magisip pa ng kung ano ano dahil panigurado kakainin lang ako non, at baka humantong pa sa di pagkakaunawaan. Naisip ko na lang na sa graduation namin ay papalitan ko yan. :)

Pagkatapos non, ay bigla lumabas si Chase sa CR at lumapit sakin. Nagulat naman ako ng bigla niya kong halikan. Dahil sa halikang yon ay nadadala na naman ako. Ewan ko ba, pag dating sakanya iba lagi yung pakiramdam. Alam mo yung pakiramdam na okay lang ibigay sakanya lahat? Ganun na ganun eh. Dahil don ay nagsimula ng lumalim ay halikan namin at nataas niya na yung tshirt ko. Wala naman pag aalinlangan na pinayagan siyang gawin yon. Habang patuloy pang lumalalim yung halikan namin ay bumaba na siya papunta sa leeg ko hanggang sa tuluyan niya ng angkinin yung hinaharap ko. Kakaibang pakiramdam yung naramdaman ko, dahil unang beses ko pa lang naman to mararanasan. Diba nga, never kami ng ganito ni James dahil sabi ko pag kasal na. Pero pagdating kay Chase parang ganun na lang kadali isuko lahat sakanya.

Encounter (GxG) CompletedWhere stories live. Discover now