"Mainit eh!"

3.8K 93 7
                                    

Gwen POV

Its been 4days since ma hospital si Chase at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Wala naman araw at oras na wala ako sa tabi niya. Every tapos ng klase ko ay dumi diretso na ako dito para mapunasan siya at mapalitan ng damit. Yes! Totoo po ang nababa niyo. Nakiusap ako kay tita na kung pwede ay kami na lang ni Nanay (maid nila) ang magpapalit ng damit niya at ako ang magpupunas sakanya. Nong una ay natawa ang parents ko at parents niya dahil para daw akong maagawan. Pero sabi ko, ayoko lang makita ng iba yung katawan ni Chase. Saka wala naman masama diba? Girlfriend niya naman ako.

Dito sa loob ng kwarto niya ay may nurse rin kaming kasama. Actually, mula ng malaman ko kay Kath na hindi naman pala na aattract si Chase sa guys, gawa ng sobrang taas na standards niya ay ni request ko kay tita (mommy niya) na kung pwede ang kasama namin dito sa kwarto ay nurse na guy. Kasi naman! Yung mga nurse dito na babae na nagtitingin sakanya nung mga nakaraang araw e makatingin sakanya wagas. Naiinis ako pag ganon. Unlike sa guys, alam ko naman di niya to papansinin kaya go lang.

Speaking of her bestfriend, ayoko man na lumalapit siya kay Chase dahil nalaman ko na matagal niya na pala itong gusto ay wala naman akong magawa. Si Steph lang naman ang kaibigan niya mula pagkabata sila. Baka magalit sakin si Chase kung sakali haharangan ko si Steph dito. At sinabi naman sakin ng mga pinsan niya na wag akong magalala. Pero mula ng malaman ko yun, ay hindi ko maiwasan na kabahan. Ewan ko, mula ng malaman ko na matagal niya na palang gusto si Chase ay hindi na ko mapalagay. Parang anytime kasi kayang kaya niya kunin sakin si Chase. Dahil sino ba naman ako? Kadarating ko lang sa buhay niya, samantalang silang dalawa ay magkasama na mula pgkabata.



Natigil naman yung pagiisip ko ng malalim ng dumating yung mommy niya at chineck siya. "Kamusta ka na anak? Ayaw mo ba magpahinga muna kahit isang araw lang?" Tanong niya sakin. Umiling naman ako at sumagot. "Hindi na po tita, hindi rin po ako mapapalagay pag nasa bahay lang ako. Maganda ng nandito ako, para pag gising niya ako una niyang makita." Sabi ko kay tita, at nakita ko naman na ngumiti siya. Maya maya pa ay may dumating pang tatlong doctor na kasunod niya at tinignan rin si Chase.


"Nagiging normal na po lahat ng blood pressure niya, yung cholesterol niya medyo mataas pa kaya tuturukan na lang namin siya ng gamot sa ugat. Ang iba po ay maayos naman na." Rinig kong sabi ng isang doctor. Kung maayos naman pala, bat di pa rin siya nagigising? :(


"Mabuti naman. Maraming salamat sainyo, makaka alis na kayo." Rinig kong sabi ng mama niya at lumabas na yung mga doctor after nilang maturukan si Chase ng gamot.



"Wag kang magalala Gwen, gigising rin si Chase." Rinig kong sabi ni tita at nagpaalam na siya dahil may titignan pa daw siyang isang pasyente na VIP.



Dahil sa pagod ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako..
























Nagising na lang ako ng naramdaman ko na may humahaplos sa ulo ko. Pag angat ko ng ulo ko ay si Mommy pala.



"Pagod ka na anak, gusto mo ba umuwi na muna?" Rinig kong sabi niya pero umiling lang ako. Wala naman pasok bukas kaya dito na lang muna ako.


"Dito lang ako ma, gusto ko siyang bantayan." Sabi ko kay mommy at nakita ko naman na ngumiti siya sakin.


"Ang anak ko talaga. Hindi ko akalain na magiging ganyan ka." Rinig kong sabi niya at ngumiti lang ako. Naging ganito naman ako kundi dahil rin naman kay Chase.


Encounter (GxG) CompletedWhere stories live. Discover now