Wake up, my love

3.4K 84 2
                                    

Gwen POV

Nagising na lang ako sa mahinang pagtapik sakin ni Beth. Nakatulog pala ako habang pinapakinggan ko yung mga recorded niyang kanta. Nakita ko naman si Zoey na alalang tumingin sakin.




"Bes, mag ayos ka muna. Sige ka, hindi gugustuhin ni Chase makitang ganyan ka. Chaka mo na kaya." Sabi niya sakin. Tinignan ko naman yung sarili ko sa salamin at napansin kong nag iba nga ako. Ibang iba sa itsura ko kanina na masaya.






Nakita ko naman na lumabas na si Zoey ng sasakyan at hinintay ako ni Beth magayos. Pagtingin ko sa salamin ay ganun pa rin naman. Malungkot pa rin ako dahil may masamang nangyari kay Chase. Parang di ko ata mapapatawad yung sarili ko sa mga nangyari.





Pagkalabas ko ng kotse ay agad na kaming pumunta sa Nurse Station. Talagang napaka ganda ng Hospital nila. Kaya karamihan ng sikat at mga kilalang tao ay dito pumupunta. Nang makalapit kami sa Nurse Station ay agad naman pinagtanong ni Zoey kung nasan si Chase.






"Sino po sila? Ano pong kailangan niyo kay Miss Chase? Pasensya na po, pero bilin kasi ng mga magulang niya naa hindi kami magpapapasok o magpapa bisita sa mga hindi naman kakilala o walang pasabi." Rinig kong sabi ng Nurse. Magsasalita pa sana si Zoey ng pigilan siya ng nasa likod namin.






"Room 305 siya. At papasukin mo sila, Girlfriend ni Chase yang nasa gitna."






Paglingon ko sa likod ay si Kuya Aizen pala yung nagsalita. Kasama niya sila Kuya Hiro. Nakita ko naman si Ate Cathy na kasama si Kathleen. Sa di malaman dahilan ay lumapit ako bigla kay Ate at umiyak.





"Sssh. Tahan na, Gwen. Hindi mo kasalanan. Okay?" Rinig kong sabi ni Ate. Nakita ko naman si Kathleen na lumapit sakin at niyakap ako.





"Walang may kasalanan, Gwen. Tumahan ka na, sige ka baka pag gising ni Chase awayin kami nun dahil namamaga yang mata mo." Rinig kong sabi niya at nakita ko naman na nakatingin lang sakin sila Beth at kuya Aizen.




Tumango naman ako bilang tugon at sabay sabay na kaming umakyat sa kwarto niya. Pagkarating namin sa kwarto niya ay nakita ko ang mga magulang niya sa labas na may mga kausap na doctor.





"Magiging maayos rin ang anak mo, Doktora. Kailangan lang nagin siyang hintayin magising at magpahinga. Sa tingin ko kasi ay sobrang napagod siya ngayon." Rinig kong sabi ng batang Doctor na kasama ng Mama niya.





"Wag ka magalala Daddy, ako ang bahala sa anak natin. Mabuti at may nakakita agad sakanya kanina. Kailangan natin magpasalamat sa taong yun." Rinig kong sabi ng Mama niya sa Tatay niya. Ang mama ni Chase ay isa sa mga sikat a Cardiologist dito sa bansa. Kaya malamang, siya ang mag titingin sa anak niya. Habang ang papa niya naman ay isang Neurologist.




Bigla naman silang napatingin sa gawi namin at nakita kong nakatingin lang ang mga magulang niya sakin. Pakiramdam ko ngayon ay nanliliit ako, at nahihiyang lumapit sakanila dahil kasalanan ko kung bakit siya inatake.




"Gwen, anak halika dito." Rinig kong sabi ng mama niya sakin. Alangan naman akong tumingin sa mga pinsan niya at mga kaibigan niya. Nakita ko naman na tumango lang sila sakin na para bang sinasabi nila na lumapit ako.




Nag simula na ako humakbang palapit sa mga magulang niya at agad naman nilang tinuro sakin kung asan si Chase. Pinasilip nila ako sa labas ng kwarto ni Chase. Na ngayon ay nakita kong nakahiga na walang malay at maraming aparatong nakalagay. Dahil don ay hindi ko na napigilan yung sarili ko na umiyak.





Encounter (GxG) CompletedWhere stories live. Discover now