Scared and Worried

3.2K 89 0
                                    

Gwen POV

Nandito na kami ngayon sa sasakyan ni Ate Kath at hinihintay na lang namin dumating si Beth. May dinaanan pa kasi siya sa Library. Tinry ko naman tawagan si Chase, pero hindi niya sinasagot. Baka busy, or naka tulog. Sabi ko kasi magpahinga siya habang wala pa siyang pasok. Si Zoey naman ay susunod na lang daw samin dahil hinatid niya pa si Avery. Speaking of Avery, siya ang Diyosa ng Floor nila. I mean, ng buong BS Chemistry students. At nalaman namin na NBSB or NGSB pala siya. Kaya sinabihan namin si Zoey nag magtino na, kasi good catch na yung nakuha niya. At hindi basta basta ang pamilya ni Avery, kaya kung lolokohin niya yon, panigurado ay malalagot siya.

Habang hinihintay namin si Beth ay busyng busy yung dalawa sa harapan kaka check ng Instagram. Maya maya pa ay bigla akong tinawag ni Ate at mukhang excited siya sa sasabihin niya.


"OMG! Ang hot niya talaga!" Kinikilig na sabi niya. Nakita ko naman si Kathleen na tumingin sa phone niya at agad siyang binatukan.

"Sira ka talaga no! Nako magalit pa sayo si Gwen niyan." Rinig kong sabi niya at nagtaka naman ako. Kaya ang ginawa ko ay tumayo ako sa kinauupuan ko at tinignan kung sino yung pinagkaka abalahan tignan ni ate sa IG.

Pagtingin ko sa phone niya ay nakita kong may nag myday ng Video ni Chase habang nag jogging sa park. Ganun na lang yung gulat ko ng makita ko yung soot niya. Wtf! Ang sabi ko magpahinga ka! Di ko sinabing iladlad mo yang katawan mo sa labas!!! Inis na sabi ko sa isip ko at napansin ko naman na nakangiting tumingin sakin si Kath.

"Nako girl! Masanay ka na sa jowa mong yan. Ganyan talaga yan. May mas maikli pa nga diyan sa short niya eh. 😉" sabi niya sabay kindat sakin at dahil don ay bigla na naman uminit yung ulo ko. Nakita ko naman na nagtawanan silang dalawa.


"Nako, baby sis. Kung ako sayo. Kung ako lang naman ha? Itatali ko na takaga si Chase. Mahirap na, baka biglang dukutin tas di na ibalik sayo. Hahahahahaha!" Rinig kong sabi niya at sarkastiko naman akong nag Haha sakanya. Hintayin mo ko makarating diyan! Nako malalagot ka talga sakin!!

Habang tuwang tuwa silang asarin ako ay nakita ko naman na paparating na si Beth. Pero bago yun, ay biglang sumeryoso ang mukha ni Kath na humarap sakin.

"Gwen, gano mo ko kamahal si Grey?" Out of the blue na tanong niya. Nakita ko naman na biglang sumeryoso ang mukha nila dalawa.

"Sorry, na late ako." Sabi ni Beth pagkpasok ng sasakyan at nakatingin lang siya samin tatlo. "Anyare? Bat seryoso niyo?" Takang tanong niya samin. "Wala, tinatanong lang namin si Gwen. So ano nga?" Rinig kong sabi ni Kath.

"Alam niyo naman sagot eh, syempre mahal na mahal ko yun." Sabi ko sakanila. At nakita ko naman na tumango lang siya. Bigla naman akong kinabahan sa paguusap namin na to. Parang may something eh.

"Ayokong pangunahan si Grey sayo. Pero Gwen, may dapat kang malaman." Sabi ni Kathleen na nagdala ng kaba sa buong pagkatao ko. Nakita ko naman na tumingin si Kath kay ate at tumango si ate sakanya.

"Kailangan mong maging matatag sa mga susunod na araw. Sinasabi ko to sayo, di dahil sa nangengelam kami. Pero kasi, ikaw ang gusto namin para sakanya." Pagku kwento niya. Pero parang nagkaron na ko ng Ideya sa mga sinasabi niya ngayon. Nagugulahang tumingin naman samin si Beth na di ata magets ang usapan.

"Matagal ng mahal ni Steph si Grey. Bata pa lang sila. Noong una ay okay naman, sabi nga namin. Wala naman samin kung sino ang makakatuluyan ni Grey, kasi basta masaya siya. Susuportahan namin siya. Ang kinaiinis lang namin, bakit hindi niyang magawang umamin kay Grey. Nahihiya ba siya? Hindi niya ba kayang panindigan si Grey? Kasi sa totoo lang, si Steph ang first love ni Grey." Sa sinabi niyang yon ay nagulat kami parehas ni Beth. Si ate ay hindi na nagulat, mukang alam niya na. Pero ako hindi, bat ba hindi ko natanong si Chase noon kung may nagustuhan na ba siya? :( bigla naman umusbong yung matinding takot sa dibdib ko ngayon.

Encounter (GxG) CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora