02 - I want to tell you something

12.8K 788 65
                                    

Hi, Coffee guy,


Weird.

Napanaginipan kita kagabi. I forgot what was it about but I clearly saw your face. That was the first time you appeared in my dream.

Bumangon ako at nag-prepare na para pumasok pero habang nasa byahe ay hindi pa rin matanggal sa isip ko ang panaginip na 'yon. Napahinto naman ako nang nasa tapat na ako ng cafe. Dahil 6:45 A.M. pa lang, may mahigit isang oras pa ako para mag-stay muna rito.

I went inside and the barista smiled at me. He prepared my usual order as I waited for it. Binuksan ko muna ang laptop ko para tingnan ang paperworks na kailangan kong tapusin ngayong araw at napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko ang files na nag-aabang sa akin.

"I need three cups of coffee today," I mumbled.

Umilaw naman ang disc pager ko kaya agad akong tumayo para kunin ang order ko sa counter. The barista smiled at me as he gave the tray. Napatingin naman ako sa cup at may nakadikit na sticky note doon.

"Someone has a message for you," he said.


Hi, Miss W.

I hope you're smiling a lot now :)


Agad akong napangiti sa nabasa ko at naalala ko rin ang ginawa mo dati. Receiving this kind of encouragement could really lift up one's mood.

Pabalik na sana ako sa upuan ko pero napahinto ako at muling pinatong ang tray sa harap ng barista.

"Uhm, can I . . ."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil naunahan ako ng hiya. I don't know if I should do the same thing or just say it to you personally next weekend.

The barista suddenly chuckled.

"Gusto mo rin bang mag-iwan ng message sa kanya?" tanong niya.

"Uhm . . ." I nodded.

"Okay, here you go," sabay abot niya ng pen at maliit na sticky note.

"Thank you."

Napangiti naman ako. To be honest, I want to tell you something but I'm not sure if I have the courage to say it right in front of you.


Hi, Coffee guy,

Thank you for the push. I am finally moving forward.

And thank you for making me smile :)


Ibinigay ko ang message ko sa'yo sa barista at saka bumalik sa upuan ko.

Four more days before I see you again.


Patiently waiting,

W.


Hi, Coffee Guy (W., #2)Where stories live. Discover now