Tale 4

11.2K 527 32
                                    


Tale 4

The Girl in White

~Nova~


I can't die here.

Blood is oozing from my severly wounded body, but despite the pain I kept on running..

They are after me............

They are after me just because of a little mistake I made while assassinating that damnable governor.

I coughed a mouthful of blood but ignored it.. I can't die here. And I won't!

"Wala kang matatakbuhan! You are in our territory!!" sigaw ng isa sa mga humahabol saakin

Lahat ng mga taong nakakasalubong ko ay umiiwas. Natatakot na maipit sa gulo.

Sa mga oras na ito ay nasa maingay at mataong marketplace ako ng isa sa pinakamayamang syudad ng Uddara.. Pero sa kabila nun, tila nahahawi ang mga tao na aking nadadaanan..

Wala na akong matatakbuhan pa..

Kailangan kong lumaban..

Hinarap ko ang mga taong humahabol sakin. Natatakpan ng isang mascara ang kabuuan ng aking muka kaya hindi nila nakikita ang ekspresyon na nakapaskil sa aking muka ngayon.

"Sumuko ka na lang para hindi ka na masakt—" bago pa man matapos ng lalaki ang kanyang sasabihin ay agad naagaw ng isang babae na nakaputing bestida ang atensyon ng lahat. Lumitaw ito mula sa kawalan at kasalukuyang lumulutang sa ere. Tila isang anghel ang babae, blonde ang kanyang mahabang buhok at perpekto ang kanyang muka kahit saang anggulo ko ito subukang tingnan.. Pero hindi ang kanyang magandang anyo ang nakaagaw ng pansin ng lahat.. Simula noong malipol ang mga mage, ngayon lamang ulit may taong nagawang lumutang sa ere kaya naman lahat ng atensyon ay nakuha nito..

"Sy- sya yun!!" narinig kong sigaw ng isa sa mga bystander

"The infamous Girl in White!!!" sigaw ng isa pa

Walang hindi nakakakilala sa tinatawag ng lahat na Girl in White. Maging ako ay narinig na ang balita tungkol sa kanya.. Sa nakalipas na mga araw, isang misteryosong babae ang lumilitaw mula sa kawalan dito sa Estado ng Uddara. Sinasabi ng iba na isa itong Grandmaster Alchemist. Mayroon namang ilan na nagsasabing isa itong Divinity mula sa ibang mundo. Walang nakakaalam ng totoo.. Pero ang malinaw sa lahat ay misteryoso ito at walang nakakaalam kung saan ito muling lilitaw..

Sinamantala ko ang pagkakataon na nilikha ng paglitaw ng babae para subukang tumakas. Pero tatlong hakbang pa lamang ang aking nagagawa ay natigilan ako..

Tila huminto ang mundo at ako lamang ang hindi apektado.. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.. Hindi ko alam kung bakit pero ang imahe ng babaeng nakasuot ng puting bestida ang unang sumagi sa aking isipan kaya bigla akong napalingon sa direksyon nito.. Nanlamig ako noong makitang ngumiti sa akin ang babae..

Nakahinto ang lahat. Maliban sa aming dalawa..

"I've been here for a few days, and this is the first time that I've encountered someone who is deeply connected to me by fate." Tila naaamused na saad ng babae at bigla na lamang itong sumulpot sa aking harapan..

"S-sino ka??" kinakabahan kong tanong, sabi nila isang Grandmaster Alchemist o isang divinity ang babae. Pero sa totoo lang dahil sa domineering presence nito tila nararapat ding sabihin na isa itong Empress ng isang malaking Emperyo.. No, that's not even close. She's more like an Emperor. An Emperor in a woman's body.

"Call me Eclipse!" masayang tugon ng babae pagkatapos ay pinagmasdan nya ako at tila ba namamangha sya sa bawat sugat na nakikita nya sa katawan ko.

"Little girl, tell me your name." saad nya

"N-Nova." Kinakabahan kong tugon.. Sa buong buhay ko bilang isang assassin, ngayon lang may nakakilala sa totoo kong kasarian. Kahit ang aking guild ay hindi ito alam.. Isa sa mga iniingatan kong sikreto ay ang pagiging babae ko dahil ayokong bumaba ang tingin sakin ng mga kasamahan ko dahil lamang babae ako. Kaya ang marinig syang tawagin akong 'little girl' ay nagdulot sakin ng takot at pagkaalarma..

"Nova. Granddaughter of the previous princess of the Kingdom of Gorgona and the previous prince of the Ventus Kingdom. Hmmm. No wonder you are deeply connected to me by fate. Your grandmother is one of my Grandma's closest friend while your grandfather is Grandpa's bestfriend!!" masayang saad ng babae at kinilabutan ako sa aking narinig. Hindi ko alam kung gusto kong umiyak o kung gusto kong matawa sa galit.. Pinakaimportanteng sikreto ko ang kanyang isiniwalat ngayon lamang. Matagal nang naging parte ng State of Ignis ang Gorgona Kingdom. Ang noo'y limang kaharian ay apat na malalaking estado na lamang ngayon. Myembro ng royal family noon ang aking pamilya pero matapos ang pagkawala ng magic tatlumpong taon na ang nakararaan, piniling magtago ng pamilya ko mula sa aming mga kaaway.. Hindi ako isang mage tulad ni Lola Briar dahil wala nang magic ngayon dito sa Aralon at yun ang rason kung bakit ako nandito ngayon sa Uddara bilang isang assassin tulad ng aking Lolo Ashley. Pero anong ibig nyang sabihin sa mga sinabi nya?? Magkakilala ang mga grandparents namin??? Paano nangyari yun when she's clearly not normal?!!

"Okay, since we are connected by fate, I won't let you die in this place.." nakangiti nyang saad at hinawakan nya ako sa balikat.. Bago pa ako makapag-react para itulak sya palayo, bilang yumanig. Hindi ang paligid kung hindi ako mismo.

Namangha ako noong maramdaman na biglang naglaho ang iniinda kong sakit..

"You must escape. You must live. Cause sooner or later you will have to repay the kindness that I have shown you." Saad nya at napasinghap ako noong mapansin na imbes na itim na kasuotan ay nakasuot na ako ngayon ng isang kulay rosas na jacket at kahit hindi ko nakikita ay ramdam ko na mayroon din akong ilang palamuti sa buhok. Wala na ang suot kong maskara. Wala na rin ang aking mga sugat.. Muka na akong isa sa mga bystanders na kanina ay nanonood lang sa paghabol sakin ng mga alagad nung gobernador na inasassinate ko.. Muka akong isang pangkaraniwang babae.

Hindi ko lubusang pinaniniwalaan ang mga sinabi nya kanina, pero nagpapasalamat ako sa pinakita nyang kabutihan sakin kaya naman agad akong nagpasalamat. "I will live. And when the time comes, I will surely repay your kindness."

She look satisfied with my words and she nod in agreement.

Determination filled my heart as I quickly made my way through the crowd. Time flow once again and I easily blend in with the people around me..

Lumingon ako sa huling pagkakataon at nakitang wala na ang misteryosong babae..

Eclipse. Yun ang pangalan nya..

I will engraved her name in my heart. I will never forget my debt nor will I forget the kindness that she have shown me..

And someday, someday I will repay my debt whole!


~~~~~~~~

AlquemieWhere stories live. Discover now