Tale 21

8.7K 496 35
                                    


A/N: Yey! Nakapag-update ako.. Bukas na lang ulet ang next chap haha. Enjoy~



Tale 21

Misunderstandings


Magtatakip silim na noong maisip ni Lauren na umuwi galing sa pamamasyal.

Nakabalik na din ang kanyang mga guards mula sa Red Leaf Hotel. Ibinahagi nila sa kanya ang nag-aalburutong galit ni Governor Sylas matapos makita si Gael.

"Serves him right." Saad ni Lauren.. At least naipaghiganti nya ang orihinal na Lauren.

Full support naman ang kanyang mga bodyguard sa kanya. Masaya sila na hindi na isang lampa at martyr ang kanilang Young Miss. Masaya sila from the bottom of their hearts para dito. Matagal na din nilang gustong upakan si Gael, pero dahil isang mahabaging nilalang ang kanilang Young Miss, hindi nila ito magawa noon. Hindi na nakakapagtaka na nabugbog ng husto si Gael ngayon, pati mga bodyguards ay puno ng galit sa kanya.

"Hala! Young Miss may nangangailangan ng tulong!" out of habit ay naibulalas ng isa sa mga guards matapos makita ang isang nakabulagtang lalaki sa isang madilim na eskinita. Alam nilang matulungin ang kanilang Young Miss kaya naging habit nila na iinform ito agad sa mga ganitong sitwasyon.

Lauren stood frozen on her spot. Nakatulala sya sa lalaking walang malay.

"Young Miss??" nagtatakang tanong mga guards.

"Emb---" hindi makapaniwala si Lauren.

"Help him. Bring him to our residence. I will tend to his wounds." Mabilis na saad ni Lauren

Agad naman sumunod ang mga guards. Sanay na sila sa proseso. Sadyang matulungin ang kanilang Young Miss kaya may kaunti itong kaalaman sa medisina. Natutuwa sila na hindi pa rin pala ito tuluyang nagbago! Nananatili itong matulungin sa mga nangangailangan!

Dinala ng mga guards ang estranghero sa guest rooms ng mansion.

"Leave us." Utos ni Lauren.. Agad namang sumunod ang mga tagapagsilbi.

It took a while before she finally healed all of his wounds. Hindi lamang external wounds ang tinamo ng binata.

"What could he possibly be doing to get hurt this badly?" nagtatakang tanong ni Lauren. If he's someone else, that person would have died already. He was almost beaten to death! Mabuti na lamang at nakita sya nina Lauren..

Ibababa pa lamang sana ni Lauren ang hawak nyang medical gauze na ginamit nyang pang-bandage sa mga sugat ng lalaki noong maramdaman nya ang presensya ng isang matalas na patalim sa kanyang leeg. Natigilan ang dalaga.

"Who are you?" isang malalim na tinig ang narinig ni Lauren

"So you're awake.." puna nya, completely ignoring his question.

Silence...

"I just saved your life." Saad ni Lauren

Naramdaman nya ang pagdadalawang isip ng binata. Pero hindi nito ibinaba ang patalim.

"How stubborn." Buntong hininga ni Lauren

Sa isang kisap mata ay napunta ang dalaga sa kabilang bahagi ng silid.

"Don't force your self to stand up. You wouldn't be able to kill me in that pitiful state. You haven't fully recovered yet.." Amuse na saad ng babae

AlquemieWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu