Tale 8

9.9K 497 76
                                    

Tale 8
First Place in Every Level!

"F-first place. First place ulit ang pangalan nya sa ikatatlong stone tablet!!" hindi makapaniwalang saad ng isa sa mga alchemist na nanonood sa mga pangyayari.

Ang ikatlong level ng Alchemic Trial of Fire ay iba sa naunang dalawa. Maging ang mga Experts na matagal nang myembro ng guild ay kinailangan ng ilang taon ng pag-aaral at paghahanda para malampasan ang level na ito.

Ang ikatatlong level ay pagkilala sa 10,000 medicinal pills. Mayroong 100,000 medicinal pills sa third level at kailangan mong mapangalan ang 10,000 dito at sampung beses ka lamang maaaring magkamali. Komplekado ito dahil magkakapareho halos ang anyo ng mga medicinal pills, magkakapareho rin ng kulay ang karamihan kaya mahirap silang kilalanin. Kailangan lang umasa ng isang alchemist sa amoy ng medicinal plants na ginamit sa paglikha dito.

Sa kasalukuyan ay 47,092 ang pinakalaking numero na nakatala sa stone tablet, pero ang nagmamay-ari ng pangalan ay isang alchemist na matagal nang pumanaw pero wala pa ring nakakatalo sa rank nito. Ang kinikilala namang number one genius na si Lyndon Ares Lockser ay nasa ika-apat na pwesto na may nakatalang 29, 371 named medicinal pills.

At ngayon isang pangalan muli ang lumitaw sa stone tablet kasabay ng paglitaw ng ikatatlong pillar of light...

Amara 100,000.

Paano? Is she even human?

Napuno ng pagkamangha ang muka ng mga nakasaksi sa mga nangyari. Isa itong pangyayari sa kasaysayan ng guild na hinding-hindi malilimutan ng lahat. Maaaring hanggang sa hinaharap ay manatiling alamat ang nangyari ngayon lamang. Parami din ng parami ang mga alchemist na pumunta sa lugar matapos mabalitaan ang nangyayari.

Maging ang limang Elders ng limang Division ay pinanonood ang mga nangyayari. Kahit hindi sabihin ng lima, lahat sila ay nabigla sa mga nangyayari.

Sa central, isang binata sa loob ng isang mansion sa 1st division ang kasalukuyang nagbabasa ng isang medicinal book. Kumunot ang noo ng binata at napatingin sa direksyon ng tatlong liwanag..

Sa pinakapuso ng guild kung saan nakatayo ang isang mansion, isang matandang lalaki ang makikita na may misteryosong ngiti sa labi. "Mukang isang halimaw ang lumitaw.." saad nito.. Ang matandang lalaki ay walang iba kung hindi si Grandmaster Vermilion. Ang Guild Master ng Thousand Crows.

Samantala sa loob naman ng Alchemic Trial of Fire, sa ikaapat na level ay makikita ang isang dalaga na may hindi maipintang ekspresyon sa kanyang muka... "Seryoso ba sila??? Kailangan kong lumikha ng isang medicinal pill na may 40% effectiveness?? 40% lang??? Psh! Base on this ingredients and the time limit and base on my mood, I think I can make a medicine with at least 85% effectiveness!! Hmm.. That's pretty low quality but I think that's fine for now." Saad nito at makikita ang dissatisfaction sa kanyang mga mata dahil sa low quality ingredients na kanyang nakikita.

"Magagawa kaya nyang lampasan ang ikaapat na level?? Sampung taon ang kinailangan ko para malampasan ang level na yun.. New recruit lang sya diba?? Magawa kaya nya??" komento ng isa sa mga alchemist

"New recruit lang ba talaga sya?? If so, then this Amara is heaven defying!" komento ng isa pa

"Sa tingin ko hindi nya na magagawa yan! 40% effectiveness ang kailangan para malampasan ang level na yan!" komento din ng isa pa

"Pero nasa first place sya sa unang tatlong level, maaaring makagawa ulit sya ng milagro!" komento ng isa pa

"Pero low quality lahat ng ingredients sa level 4. Mga ingredients yun para sa 20% effective medicines. Ang level 4 ay trial ng talento at kaalaman. Kung new recruit lamang sya kailangan nya ng pambihirang talento at swerte para makalikha ng 40% effective medicine.." saad ng isa pa na mukang eksperto sa level na yun.

AlquemieWhere stories live. Discover now