Sometimes Love Just Ain't Enough

322 8 0
                                    

Vice's POV

Bakit ko ba hinayaan na umabot sa ganito?

Umpisa pa lang naman malinaw na, pero bakit ko pa rin ba piniling magpakatanga?

Mga tanong na paulit-ulit gumulo sa isipan ko habang nakalubog ang mga paa ko sa heated pool ng resort na pinag-istayhan namin.

Team building pero hindi naman ako nakikihalubilo sa mga kasamahan ko.

Sila, andun sa gilid ng dagat, malamang nakapalibot sa bon fire at nagkakantahan. Malamang umiinom sila ron habang nagkukwentuhan tungkol sa iba't ibang bagay.

Samantalang ako, andito.

Mag-isa.

Kung may itatawag pa sa pakiramdam na mas grabe pa sa mag-isa. Yun ang nararamdaman ko.

I have never felt so alone in my entire life.

"Pst. Uy! Ayos ka lang?"

Napalingon ako sa taong kumalabit sa balikat ko na tumabi rin saakin ng upo sa gilid ng pool at inilubog din ang mga paa doon.

Inabutan niya ako ng isang bote ng beer bago uminom mula sa hawak niya.

"Lalim ng iniisip mo eh, care to share? Alam mo na, sharing is caring."

Sabi niya habang nakangiti saakin. Natawa ako ng kaunti bago lumagok mula sa bote ng malamig na beer na binigay niya. I looked at her and considered for a moment kung pwede ko bang ishare sakaniya kung ano man ang gumugulo sa isipan ko.

Bumuntong hininga ako bago tumingin sa malayo. Madilim na ang paligid pero dahil maliwanag ang buwan, kitang kita mo pa rin kung saan nagsisimula ang karagatan. Kumikinang kasi yung tubig na tinatamaan ng sikat ng buwan.

"I am not the type na nagsheshare."

Umpisa ko bago uminom ulit mula sa beer na hawak ko.

Totoo naman kasi. As much as possible ayokong nagsasabi sa iba. I don't wanna burden them with my problems. May sarili rin silang buhay at problema at sa palagay ko ay hindi ko na dapat pang idagdag doon yung mga saakin.

Narinig kong natawa naman yung katabi ko at napatingin saakin pero hindi ko na nilingon pa.

"Sabi nga nila Kuya Vhong. Mas gusto mo raw na sinasarili lahat ng bagay. Feeling mo raw ikaw si Atlas."

I heard amusement in her voice at ewan ko ba, it somehow soothed me.

"Atlas?"

Natatawa akong lumingon sakaniya. Tumango lang siya bago uminom tapos ngumiti ulit saakin.

Hindi ko alam kung yung effect ng ilaw sa paligid, pero for the first time sa tatlong buwan niya sa pagtatrabaho sa company ay ngayon ko lang siya totoong nakita.

May dimple pala siya at ang aliwalas pala niya sa mata.

Lalo na pag naka-ngiti.

"Oo, si Atlas, kasi pasan mo raw ang mundo."

Sabi niya sabay tawa. Natawa na lang din ako sa comparison nung ugok kong kaibigan.

Uminom ako mula sa bote ng beer na hawak ko bago tahimik na pinagmasdan ulit yung madilim na horizon.


"Sigurado ka ba gusto mong malaman kung anong gumugulo saakin?"

Paninigurado ko without looking at her. Naramdaman kong tumango muna siya bago sumagot.

"Oo naman. Ang hirap kaya na nasa isip mo lang lahat yan tapos wala kang mapagsabihan. Ikaw rin, baka mabaliw ka. Naku, mawawalan pa kami ng mabait na mejo masungit na Supervisor."

Mga Kwentong M.U.Where stories live. Discover now