Take It or Leave It

89 5 0
                                    

Vice's POV

I opened the door to my new office kasunod ang secretary ko na si Kevin. I asked for him to stay kasi matutulungan niya ako sa pag aadjust sa bago kong trabaho.


I walked towards the oak table na kung saan nakapatong ang name plate kung saan nakalagay ang pangalan ko.

Jose Marie Viceral
Chief Executive Officer

Pinadaan ko ang mga daliri ko sa makinis na finish ng table na yun at bukuntong hininga.



Why did I ever agree to this? Pero sino ba naman ako to not honor a dead man's wish.




Saglit akong napapikit kasunod nang pagdaloy ng mga ala-ala.

Sa loob ng opisina ko. Habang nagtatalo kami ng sarili ko kung alin ang unang bubuksan hanggang sa makapagdecide ako na yung envelope na lang ang unahing silipin.

Nanginginig ang mga kamay na inabot ko iyon tapos binuksan. Dahan dahan kong inilabas yung mga pahina ng huling habilin ng tatay ko.

It was written in his own handwriting at kung di ako nagkakamali, fountain pen ang ginamit niya. Halata naman sa mga blots sa papel.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago binasa iyon.

Doon ko napag-alaman na hindi naman pala niya pinili na wag akong makilala. Hiniling daw yun sakaniya ni Nanay Rosario dahil ayaw raw nito na gugulin ko ang buhay ng nakikihati sa pansin at pagmamahal ng isang ama.

Nakiusap daw ang tatay ko na kahit minsan lang ay makita niya ako na pinagbigyan naman ni nanay.

Minsan lang at hindi na naulit pa.

Nakasulat din doon na iniwanan niya saakin ang kumpanyang pinagtatrabahuan ko.

At pinakiusap na sana ay tanggapin ko ito.


I opened my eyes tapos nilingon si Kevin. Walang nakakaalam sa internal arrangement namin ni Mr. Torres.

Ni James.

Nakiusap ako sakaniya na walang makakaalam nito at palalabasin lang namin na temporary lang ako sa posisyon.

Naalala ko pa yung mga sinabi niya.

"Either way, we both know how qualified you are. Walang magtataka. You worked your way up, Vice. We both know that."

Tama naman siya. I have worked hard for this.

I sat on my chair tapos bumaling kay Kevin.


"Ano bang agenda for today?"

Tanong ko. Agad naman niya binuklat yung leatherbound niyang notebook tapos mabilis na nagsalita.



"Tapos may meeting po kayo with one of our biggest investor mamayang 4pm. Yun lang daw po kasi ang available time niya."

Tapos niya sa napakahabang listahan ng gagawin namin buong araw. Napamasahe ako sa magkabilang sentido ko.


"Pinakinggan ko pa lang napagod na ako."

Sabi ko. Mejo natawa siya tapos biglang napakamot sa batok na parang may gustong sabihin pero nagdadalawang isip.



"Ano yun?"

Tanong ko na lang. Tila nagdadalawang isip pa rin siya pero bumigay rin.


Mga Kwentong M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon