All or Nothing

133 6 0
                                    

A month ago...

Vice's POV

Maaga pa pero mainit na kaagad ulo ko. Ilang buwan na rin kami ni Ion.

Correction.

Wala naman palang kami. Ilang buwan na kaming parating magkausap sa phone, magkatext lahat na yata ng platform nagamit na namin sa paguusap.



Masaya naman kami madalas, chill lang. Wala masyadong drama sa buhay. Lalabas pag may time tapos magkukwentuhan habang naglalakad-lakad sa kung saan man namin maisipang pumunta.




Ilang buwan na ba? Apat? Lima?




Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng dinadrive kong kotse nung bumalik saakin yung pagtatalo namin kagabi.





Mainit na nga ulo ko andami pang badtrip na driver na kasabay sa kalsada!



Madiin akong bumusina nung biglang may nagcut saakin na naka-motor.



"Gago!"

Alam ko naman na di niya na maririnig dahil humarurot na siya palayo.




"Bakit ba ako naiinis! Hindi naman kami. Walang kami."

Paalala ko sa sarili ko nung maalala nanaman na hindi ako sinipot ng tarantadong lalaking yun sa usapan namin kagabi.



Nag-cancel pa talaga siya 30 minutes before ng usapan.




Ang nakakainis pa eh wala naman akong magawa talaga dahil sino naman ako para magimpose?



Wala naman siyang responsibilidad saakin at wala naman akong karapatan na mag demand.



Tapos malalaman ko na may basketball game lang pala kasama ng barkada?




Pwede naman nagsabi na lang! Baka sinamahan ko pa siya, baka nakipaglaro pa ako sakanila.




Nawala ang paghihimutok ko nung biglang nagring yung phone ko. Unknown number pero dahil hindi naman ako talaga nagsesave ng numbers eh sinagot ko na rin.





"Hello!"

Mejo may inis na sabi ko nung masagot yung tawag. Saglit na natahimik yung nasa kabilang linya nagulat yata.



"S-Sir, ahhmm. S-Secretary po to ni Mr. Torres."

Sabi niya. Napakunot naman ako ng noo, si Mr. Torres yung boss ko, at sa pagkalaalala ko eh lalaki yung secretary niya.



"Secretary? Kelan ka pa naging babae, Kevin?"

Tanong ko na lalo namang nagpatahimik sa kausap ko. Ito talaga yung hirap sakin, pag mainit ulo ko, lahat na lang ng tao nadadamay.


Huminga muna ako ng malalim bago ulit nagsalita.





"Sorry. Bago ka ba? Anong nangyari kay Kevin?"

Tanong ko na lang. Mejo kalmado na. Mejo mabait na.




"Naka-indefinite leave po kasi si Sir Kevin kaya ako muna ang secretary ni Boss. Si Jackie po ito."

Magalang na sabi ng kausap ko. Lalo lang akong napakunot noo.




"Jackie? Yung bago sa team ko?"

Tanong ko. May bago kasi akong employee sa team ko, wala pa yata siyang isang buwan saakin.





"Y-yes po. Pinapasabi po ni Mr
Torres na dumeretso kayo sakaniya agad pagdating niyo tapos po kung ano raw pong kap--"


Mga Kwentong M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon