Someday

103 7 0
                                    

Jackie's POV

Nagkukumahog na ako sa paghabol sa bus na kailangan kong sakyan papunta sa opisina pero olats! Naiwanan nanaman ako.

"Pati ba naman bus, Jackie! Iniiwanan ka na rin."

Napapunas na lang ako sa pawisan kong noo bago bumuntong hininga at tumingin sa relong suot ko.

"Wala na. Malelate na ako."

Wala naman akong magagawa kaya umupo na lang ako sa isa sa mga upuan na andun at nagcompose na lang ng pwedeng sabihin sa masungit kong Supervisor mamaya pag tinanong ako kung bat ako late.

Nasa pag muni-muni na stage yung utak ko nung biglang may kumalabit saakin.

"Jackie!? Uy! Kamusta?"

Nakangiting tanong ni Tom sabay akbay pa sa babaeng kasama niya.

Wow ha? Kamusta?? Matapos ang lahat ng ginawa mo saakin, kamusta??

Ngumiti ako ng pilit bago tumango lang.

"Aysnaman."

Mabilis kong sagot. Kung siniswerte ka nga naman. Maiiwanan ka na nga lang ng bus, makikita mo pa yung lalakeng sinaktan ka lang.

Ang masaya pa....

Kakamustahin ka pa?

Natawa ako ng mejo malakas na mejo bitter.

"Oh, bat natatawa ka?"

Tinanong pa talaga niya yun?

Humarap ako sakaniya bago ngumiti at sumagot.


"Ah wala lang. May naalala lang ako."

Pilit kong sagot.

Naalala ko lang na nagpakatanga ako sa'yo noon. Kakatawa no??

Dugtong ko sa isip ko. Parang may sasabihin pa siya pero napatayo ako kaagad dahil may paparating nang bus.

Saved by the bus.

Walang paalam akong umakyat ng bus nung huminto yun. Nagsuot ng earphones tapos isinandal yung ulo sa bintana.

Naks naman! Umulan pa. Akalain mo yun? Para akong nasa Music Video.


Napailing na lang ako eh.



Bakit naman kasi nakita ko pa yung lalaking yun. Tsk.


Agad akong nagtext sa bestfriend kong si Madc tungkol sa kaswertehan ko.


Sus! Samantalang patay na patay ka jan dati. Hahahaha.

Basa ko sa reply niya. Bakit kaya tayo binibigyan ni Lord ng mga kaibigang walang kasupport support?

Napabuntong hininga ako. Ayaw ko man aminin, pero totoo naman eh. Tangang tanga ako sakaniya dati.


Naalala ko nanaman tuloy.

Flashback....

Kanina pa ko text ng text kay Tom. Alas kuwatro ang usapan namin pero 5pm na eh wala pa siya.

Mas nagaalala ako kesa sa naiinis.


Nagtext ulit ako sakaniya tapos tinawagan ko ulit. Pero walang sagot.



Tumayo ako mula sa upuang kinauupuan ko sa loob ng isang restaurant sa mall kung saan namin napagusapang magkita at aalis na sana pero may humablot sa braso ko sisigaw na sana ako kung di ko lang unang nakita na si Tom pala yun.



Mga Kwentong M.U.Where stories live. Discover now