With A Smile

134 7 1
                                    

Vice's POV

Mag aalas-ocho na ng gabi nung marating namin yung paboritong branch ko ng coffee shop.

Paborito ko rito dahil nasa gilid ng cliff tapos maraming ilaw na matatanaw.


Umupo kami sa labas. Nagsasawa na kasi ako sa amoy ng aircon. May amoy ba yun? Basta, gusto ko naman natural na amoy ng hangin.


Yung tipong malamig pero natural na lamig.


Amoy traffic, ganun. Charot.




"Eh gano ba katagal yung sainyo?"

Tanong ni Jackie pagkalapag niya cup of coffee niya sa ibabaw ng isang puting saucer.



Saglit akong nag-isip.



"Hindi ko na kasi alam. Yung una, siguro dalawang buwan tapos itong huli--"




"Teka! May nauna pa? Paano?"




Putol agad niya sa sinasabi ko. Tinignan ko siya. Mejo naiinis ako pag kinacut off ako habang nagsasalita pero para sakaniya ayos lang naman.




I just shrugged.




"Okay na ba? Pwede na ba magkwento?"


Biro ko muna bago ituloy ang sasabihin. Tumango lang siya bago sumandal sa kinauupuan.




"Parang mali, siguro mga 3 months yung una. Three fuckin' months na landian. Araw araw may 'Good morning', 'Kamusta araw mo?', 'Magingat ka palagi' tapos mga kung ano ano pa."


Napalunok ako kasi habang sinasabi ko yun eh nagpiplay naman sa isip ko yung mga araw na magkasama kami. We would do out sa weekends or pag day off niya. Minsan kahit ayaw kong pumupunta sa bar eh ginagawa ko para lang makita siya.




"Oh? Eh anong nangyari?"

Curious na tanong ni Jackie. Natawa ako. That was the same question na tinatanong ko noon sa sarili ko.





Anong nangyari?





"I.. Well. Maybe nag-assume ako masyado na may something special between us?"


Sabi ko. Inabot ko yung cup ko ng kape at uminom mula ron. I inhaled and exhaled to supress the memories from flooding my mind. Ayoko na kasi.



Ayoko nang bumalik sa mga iyon.





"Let me guess? You told him that you are falling for him."

Sabi ni Jackie na punong puno ng confidence. Napaatras ako ng kaunti. Hindi malaman kung matatawa o mashoshock lang talaga.



Pailing-iling siya habang nakangiti.





"Ganun kasi tayo eh. Pag may taong nag-care saatin tapos nagsimulang magpakita ng interest, nahuhulog tayo. Ang masakit lang...."




Sabi niya as if to answer my question.






"Minsan tayo lang yung nahuhulog?"

Dugtong ko sa sasabihin niya. Tumango lang siya ulit bago patay malisyang uminom ulit ng kape.





I looked at her. Really looked at her.





"Oh? Bakit? Makatitig ka jan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Kwentong M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon