"First Meet"

2.4K 58 2
                                    

"Ra-Rachel?"

"Bitawan mo sya!,"madiing sabi nito kay Dilan habang si Dilan naman ay nakatitig lang sa akin ni hindi tinapunan ng tingin ang lalaking bagong dating.

"Halikana,"sabi ni Dilan at hinila na naman ako pero hindi naman nagpatalo si Racbel at hinila ako papalapit sa kanya.

"Bitaw!"

"A-aray!,"daing ko dahil sa tindi ng pagkahila ni Rachel,bigla nalang akong binitawan ni Dilan kaya napa subsob ako sa dibdib ni Rachel.

Pinukolan siya ng masamang tingin ni Rachel.

"Sabi mo bitaw edi bitaw," kalmadong sabi ni Dilan at tumalikod na ito,at nagsimulang maglakad pabalik sa kotse nito kung saan naghihintay si Angel.

"Bantayan mo yang kilos mo Dilan kung bitawan mo si Celestina parang wala kayong pinagsamahan dalawa!," and that hits me,alam kong may ibang ibig sabihin pa ang mga katagang iyon na pinakawalan ni Rachel.

Hindi siya pinansin ni Dilan at nag patuloy lang sa paglakad pabalik sa sasakyan nito at pumasok,dahil nakaharang kami sa daan ay pumreno pa ito kaya na pa gilid kami sa daan habang tinatanaw ko sa malayo ang sasakyan ni Dilan ay ang dahan dahan kong naramdaman ang ulan.

Nawala na naman ako sa sarili dahil malapit lang siya sa akin,hindi ko man lang namalayan na kanina pa apala ako nababasa. Nagulat ako ng biglang may Jacket na tumapat sa ulo ko upang hindi ako mabasa ng tubig ulan,inangat ko ang tingin ko at sinalubong ang mukha ng lalaking palaging nandyan sa tabi ko,lalaking nandito upang damayan ako. Si Rachel,ngumiti sya at tinap ang ulo ko.

"Wag mo na syang isipin pa Celestina"

Papunta ako ngayon sa School na pinapasukan ko dati dahil pinatawag ako ng adviser namin,hindi sana ako pupunta kaso lang ay alam kong hindi ako tatantanan nito kaya pupunta nalang ako.

Napabuntong hininga nalang ako at tumuloy na sa pagpasok, kanina pa kasi ako napatulala sa harap ng gate. Gusto ko pang mag aral.

Nakatingin ang lahat ng estudyante sa akin dahil naka civilian lang ako,at isa pa. Maraming nakakakilala sa akin dito,bilang isang malaking slut sa pag iwan sa prinsipe nila si Dilan.

Hindi ako binigyang pansin ng mga bagong mag aaral sa eskwelahang ito habang ang iba naman ay masamang nakatingin sa akin.

"Ang lakas naman ng loob nyang pumasok pa dito"

"Oo nga ang kapal talaga ng mukha matapos niyang gawin iyon kay Dilan! Walang hiya sya!"

"Walang hiya talaga!"

"slut!"

"Gold digger!"

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad,ngayon lang naman ito dahil hindi naman din ako babalik pa sa lugar na ito. Napadaan ako sa library namin,kakaunti lang ang mga estudyanteng nandoon habang ang iba ay natutulog ang iba nama'y nakiki connect sa wifi.

Natuon ang mata ko sa pinakahuling mesa sa dulo,isang masaya,malungkot na alala ang biglang pumasok sa isip ko,isang alaala na dapat matagal ko ng kinalimutan, alala kung saan ang una naming pagkikita....

Nakaupo lang ako sa dulo ng mesa sa library ng biglang may umupo sa tapat ko,hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagbabasa.

Hawak ko ang libro sa history may reporting na kasi kami sa susunod na week kaya kailangan kong mag study dahil ako ang mag rereport sa grupo. Kumunot ang noo ko ng may kung sinong nilalang ang sumusundot sundot sa librong hawak ko,naiiritang binaba ko ang libro at halos ma hagip ko ang hininga ko dahil sa taong nasa harapan ko.

Will You Be Happy, If I Die? (Completed)Where stories live. Discover now