"Chapter 7"

1.7K 46 1
                                    

Kakalabas ko lang ng hospital kahapon,at ang sabi nila wala daw pinagbago ano naman ang aasahan ko? Wala naman akong gamot na iniinom kasi nga wala ng makakapaggaling sa akin.

Nasa terrace ako ng bahay ng magulat ako ng makitang may nag park na sasakyan sa labas,bigla nalang bumilis nag tibok ng puso ko ng lumabas doon si Dilan,nakakunot ang noo nito habang daretsong pumunta papalapit sa akin,galit na naman sya. Bigla nalang akong napayuko ng malala kung pumunta pala sya sa hospital noon.

Nang magkatapat na kami ay bigla nalang nag seryuso ang mukha nya.

"Alam kung wala na akong pakialam sa iyo" panimula nito,mas lalong bumigat ang dibdib ko sa sinabi nya, alam ko naman iyon bakit uulitin nya pa?

"Pero...
Bakit nakita kita na nasahospital,may sakit kaba?" Inangat ko ang paningin ko at tinignan ko sya ng deritso sa mata,wala kang makikitang pag aalala doon blanko lamang ang mukha nito.

"Ano namang paki mo! May nalalaman kapang papunta punta doon! At tyaka bakit kaba andito ha! Ang lakas naman ng loob mong pumonta dito!" Sigaw ko sa kanya,hindi na sya nagulat sa pag sigaw ko sa kanya thats how I treated him,simula nong gusto ko syang paalisin sa buhay ko.

"Napa daan lang ako doon,kaya wag kang mag alala,at kung hindi mo naman sasabihin aalis na ako"sabi nito atyaka tumalikod,bakit ba ang dali lang nito talikuran nito? Bakit kapag sinasaktan ko sya ay aalis nalang sya agad? Bakit ayaw nyang ipag tanggol ang sarili nya?,nagulat ako ng makita kong may puting tela sa batok nito.

"Anong nangyare sa leeg mo?" Pasigaw na tanong ko sa kanya,hanggang maaari ayaw kong ipakita sa kanya na nag aalala ako, tumigil ito sa paglalakad pero hindi parin ako hinaharap.

"Ano namang pake mo?" Bigla nalang akong natahimik sa sinabi nya,ano naman talagang pake ko? Wala naman kami diba?

"Wag kang mag Alala hindi naman to malala ang natamo ko" sabi nito at tumalikod na.

"Hindi naman talaga ako mag aalala sayo,kahit kaylan!" Sigaw ko sa kanya,dali dali syang pumasok sa kotse nya at pinaharurut ito paalis,tyka kolang naramdaman ang unti unting pagpatak ng luha ko.

Im always like this kapag kausap sya,except nalang kung ako ang mauna,ang tagal ko na itong ginagawa sa kanyan pero nasasaktan padin ako how cruel I am. Gusto ko syang akapin ng makita ang sugat nya sa leeg gusto kong ako ang gumamot noon sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko, hindi na dapat ako maatach sa kanya ulit,ayaw ko pa syang pahirapan pa.

"Wala pa syang alam" sabi ko habang na ka tingin sa hawak hawak kong juice,nandito ako ngayon sa bahay ni Rachel wala naman kasi akong ibang mapupuntahan kundi sya lang,sya lang naman ang nakakaintindi sa sitwasyon ko ngayon. Buti nalang wala syang trabaho ngayon.

"Paano mo naman na sabi?" Tanong nito sa akin,tumayo ako at lumapit sa kanya,kasalukuyan kasi syang nagluluto ng pancake my favorite,pinanuod ko syang mag luto at talagang marunong talaga sya sa larangang ito.

"Pumunta sya sa bahay" bigla nalang lumaki ang mata nito sa gulat dahil sa sinabi ko. Agad syang humarap sa akin.

"Ano namang ginawa nya sa bahay mo? Papalayasin kana nya? Ano? Dito ka nalang muna!" Natawa nalang ako sa kanya,freak!

"Hindi naman sa ganon,tinanong nya lang kong anong ginagawa ko sa hospital na yun" sabi ko sa kanya agad naman syang napatango tango at bumalik sa pagluluto.

"Oh? Ano namang pakealam nya kung na-ospital ka? Nag aalala ba ang ugok nayun?" Pabirong hinampas ko sya sa balikat dahil sa sinabi nito.

"Wag mo syang tawaging ganon,dahil ako naman talaga ang stupida sa aming dalawa. Remember?" Napabuntong hininga ito sa sinabi ko,pero hindi nya inaalis ang tingin sa niluluto nya.

Will You Be Happy, If I Die? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon