"Chapter 24"

1.1K 25 0
                                    

"Ano nanaman yun Celestina?
Bakit nasa loob ng bahay yung lalaking yun at kayong dalawa lang talaga ang andito! Pano kung may ginawa ng masama ang lalaking yun sayo?" 

"He just want Closure" mahinahong sabi ko sa kanya. Hindi pwedeng sabayan ko sya sa pag a-alburoto nya baka magiba patong bahay.

"Anong closure? Eh sabi nga nya kanina, 'Ill court her'" tinignan ko lang sya ng nababagot.

"Oo narinig ko yun Rachel"
Hindi naman sya makapaniwalang napatingin sa akin.

"Ano ba Celestina! This is a serious matter! Bakit parang wala lang sayo! Gusto mo rin bang magpaligaw sa kanya? Ha?!"

"Ano ba Rachel..."
Wala na akong ibang nasabi sa kanya kaya umopo nalang ako sa sofa,agad naman syang sumonod sa akin.

"Anong ano ba Celestina? Paano nalang yung plano mo? Pag maging okay na kayong dalawa? parang balewala nadin ang paghihirap na naranasan mo!"

"Oo alam ko yun Rachel"
Napasabunot ito ng buhok at tumayo sa harapan ko.

"Alam mo naman pala,bakit may pa tomorrow tomorrow kapa kanina?" 

"Tumigil kana nga baka isipin ko na nagseselos kalang eh!" Napamura nalang ito sa sinabi ko sakanya.

"Umayos  ka nga Celestina bakit parang balewala lang sayo ang nangyayare?"

"Hindi naman sa binalewala ko lang ang pangyayareng ito Rachel,gusto ko lang ng tahimik para makapag isip ako ng maayos. Ikaw din naman kase parang ikaw ang BF ko eh!" Pikon na tumabi sa akin si Rachel.

"Your unbelievable!" Hindi makapaniwalang sabi nito sa akin.

"Pero seryuso Celes ano ba talagang balak mo?"

"Hindi ko pa alam"

"Pero sisiputin mo sya mamaya?"

"Hindi ko pa alam"

"Kung manliligaw sya sasagutin mo sya?"

"Hindi ko pa alam"

"Paano kong malaman nya na may sakit ka?"

"Hindi ko pa alam"

"Mahal mo ba talaga sya?"

"Oo naman"

"Hindi ka talaga nauuto ano? Puro hindi ang sagot mo pero naka oo kaagad" napahiga nalang ito sa sofa at pinatong ang paa nito sa binti ko,agad ko naman itong tinabig dahilan para mahulog sya.

Sinamaan nya ko ng tingin pero hindi konalang sya pinansin.

"Bakit kapala andito?"
Bigla nalang sumeryuso ang mukha nito sa tanong ko.

Umayos nadin ito ng upo.

"Si Papa kase"

"Ano nanamang nagyare sa papa mo?"
Takang tanong ko sa kanya,bihira lang kasing magkita ang dalawa.

"Medyo humina kase ang negosyo namin at..."

"At?"

"At..."

"At ano nga? Pabitin karin eh!"
Napabuntong hininga ito bago ako sinagot.

"Arrange marriage"

"Oh anong arrange marriage?"
Agad nya akong sinamaan dahil sa sinabi ko. Problema nito? Hindi ko nga nakuha eh

"Arrange merriage nalang daw ang tanging solution" gulat na napatingin ako sa kanya. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin noon ni Dilan, may roon naring nakatali sa kanya.

"Kanino naman?"

"Hindi ko pa alam"
Naaawang tinignan ko sya,ano kayang mangyayare sa akin kung sakaling mangyare sa akin yun.

Anyway wala naman din akong negosyo eh.

"Bigti"

"Ha?"

"Wala" sabi ko nalang sa kanya, ang seryuso nito gusto ko pa sana syang biroin eh.

Okay. Hindi talaga ako magaling pagdating sa pag co-comfort. Lumapit ako sa kanya atyaka sya tinap sa balikat.

"Paano nalang si Annica?" Nag aalalang tanong ko sa kanya " alam nya na ba ang tungkol dito?".

"Hindi pa nga eh,pero..."

"Wag ka ngang pabitin Rachel,kung hindi iiwan talaga kita dito" pabirong sabi ko sa kanya,pero hindi man lang ako nito pinansin.

Sungit!

"Ano ngayon eh?" Tanong ko ulit.

"Dapat sa susunod na araw may maiharap agad ako sa kanya na babaeng papakasalan ko" sabi nito,agad ko syang binatukan sa nadinig.

"Ganun naman pala eh! Bakit may pa emo emo kapang nalalaman dyan!" Pabalang na sabi ko sa kanya,sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Hindi ganon kadali yun?" Tinaasan ko sya ng kilay dahil hindi ko naman nakuha ang ibig nitong sabihin.

"Hindi naman tayo sigurado na papakasalan talaga ako ni Annica"  napatango tango nalang ako sa sinabi nito. Tama naman din sya doon.

"Pero kung mahal katalaga nya at kung gusto ka pa nyang makasama,papayag na talaga yun" ngumiti lang ito sa akin ng mapait.

"Pinag duduhan moba ang kasintahan mo?"napabuntong hininga nalang ito sa sinabi ko.

"Hindi naman sa ganun, baka malay mo hindi pa sya handa were only 21 Celes at mas bata pa nga sya sa akin. Baka gusto pa nyang maging malaya at hindi agad matali sa akin"

"Sus! Wag kangang nega dyan! Baka mag katotoo yang sinasabi mo eh!" Pagpapalakas ko ng loob nya.

Sana naman ay hindi lokohin ni Annica si Rachel tulad ng ginawa nya sa akin noon.

"Pag lumalabas ba kayo ni Annica palagi ba syang nag papabili ng mga gamit?" Tanong ko sa kanya,agad naman napakunot ang noo  nito habang nakatingin sa akin.

"Lahat naman ng babae,magpapabili tala-"

"No I mean yung marami? mahal?"
Nagulat ito sa biglaan kung pagputol sa sasabihin nito pero agad naman din itong tumugon sa akin.

"Hindi naman" napatango tango nalang ako sa nadinig. Hindi naman nya siguro gagawin sa kanya yun diba?

"Bakit naman?" Gulat na napalingon ako sa kanya ng marinig ang tanong nito.

"Ah wala wala"  ngumiti ako sa kanya ng peke at tumingin sa likod,sana hindi nya nahalata yun!

"Gusto mo bang magpabili ng gamit Celes?"

"Ha? Hindi ah! Bakit naman ako magpapabili na meron naman ako" Agad na depensa ko sa kanya. Ang bilis namang makapag isip ng isang to.

"Baka lang may gusto kang bilhin, sabihin molang meron akong dalang pero dito ano pu-"

"Ay hindi! Hindi talaga,may naisip lang kasi ako bigla. Napatango nalang ito sa akin kahit kitang kita naman sa mukha nito na nalilito na ito sa inaakto ko.

Matanong kasi eh!

Will You Be Happy, If I Die? (Completed)Where stories live. Discover now