"People Change"

1.6K 41 0
                                    

Nakatitig lang ako sa mukha ni Annica habang nakaupo sya sa sofa dito sa kwarto ko sa hospital, katabi nito si Rachel na ngiti ngiting nakatingin sa akin,sinamaan ko sya ng tingin atyaka sya inirapan.

Tong si Rachel talaga mukhang tanga pag Masaya! Ay ewan!

"Ano namang ginagawa nyo dito?" Bored na tanong ko sa kanila,si Rachel naman ang sumagot sa tanong ko.

"Wala lang gusto kalang bisitahin ni Annica" nakangiting sabi nito sa akin,napalingon tuloy ako kay Annica na ngayoy dinamakatingin sa akin ng deretso saka ako tumingin kay Rachel.

"Bakit? kung dika nya inanyaya wala katalagang balak na bisitahin ako dito?" Nagulat naman ito sa tanong ko sa kanya.

"Hindi ah!" Mabilis na sabi nito na may kasama pang pag wasiwas ng kamay nya.

Tsk! Gusto lang naman nitong masulo girlfriend nya eh.

Tinignan ko si Annica at kasalukuyan itong naka tingin sa akin,kaya sinabihan ko muna si Rachel kong pwede ba syang makalabas muna para makapag usap kami ni Annica ng maayos.

Agad naman din itong lumabas tulad ng hiling kung gagawin nya,ng tuluyan na syang makalabas saka kulang tinuon ang attention ko sa Babaeng kaharap ko ngayon,ang babaeng tinuring kong tunay na kaibigan pero niloko lang ako.

Penerahan lang ako.

"Kung iniisip mo na gagawin ko din kay Rachel ang ginawa ko sayo pw-"

"Oo yun nga ang iniisip ko,ano naman ang magagawa mo?" Tanong ko naman sa kanya pabalik,yumuko lang ito habang pinaglalalruan ang mga daliri nito, napabuntong hininga ito bago sumagot.

"Alam mo kasi Yuumi.....
Hindi naman talaga namin intensyon na perahan ka la-"

"Eh ano pala ang gagawin nyo sana? Ha?!" Pag puputol ko sa mga sinabi nito, umiinit talaga nag ulo ko kapag pinapaalala sa akin ang pangyayareng iyon. Pakiramdam ko ang tanga ko ang tanga tanga ko para magpa-uto sa mga mukhang perang mga tao dito sa mundo!

"Nagbibiro lang naman talaga kasi ka-"

"Oh? so anong gusto mong palabasin? Na nagbibiro lang kayo at ang bilis ko lang mauto at agad na lumayo sa inyo? Pero alam mo Annica matagal na yun pero bakit ngayon mo lang sinabi? Alam mo? Dapat hindi na natin to pag usapan eh wala nang sense ang pag usapan pa iyon ulit dahil hindi na iyon kailan pa maibabalik!"  Mataas na lintana ko sa kanya,napabuntong hininga nalang ito.

"Mahal na mahal ko si Rachel kaya hindi ko kayang gawin yun sa kanya" ha! So hindi nyo talaga ako minahal bilang kaibigan noon dahil nagawa nyo yung kagagohang iyon sa akin? What the f*ck lang diba!

"At isa pa Yuumi lahat naman ng tao nagbabago,kahit gaano pa kalaki ang nagawa nitong kasalanan kung gaano pa nito na apektuhan ang pagkatao nito,kaya pa nitong tumayo at tamain ang mga pagkakamaling nagawa nito, kaya pa nitong baguhin ang mga maling nagawa nito,kaya pinagsisihan ko na ang ginawa ko noon sayo at nag bago na ako ngayon Yuumi" nangungusap ang mata nito habang nakatingin sa akin.

Lumapit ito sa akin saka nito hinawakan ang kamay ko .

"Kaya please.... give me a chance"mapait akong ngumiti sa kanya tyaka ko hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa akin saka ko ito binaba.

"Mahirap ng mag tiwala sa isang tao lalo na pag nasira na nito ang tiwala nya sayo." Ngumiti ako sa kanya.

"Kaya pasensya na ang kaya ko lang gawin ngayon ay patawarin ka, di ko kayang magtiwala ulit sayo at di na ulit mababalik ang pagkakaibigan natin na nawasak na"

"Ang tahimik nyo ata? Nag usap ba talaga kayong dalawa o pinalayas nyo lang talaga ako?" Pabirong sabi ni Rachel na kakarating lang,walang pumansin sa kanya kaya lumapit nalang ito sa kasintahan nya.

"Akala ko ba magkasundo na kayo? Bat hindi man lang kayo nag uusap ngayon?" Tanong nanaman nito,nginitian sya ni Annica at tyaka ito tumayo.

"Umuwi na tayo,tapos naman na kaming mag usap kaya pag rating mo wala na kaming maisipan na pagusapan pa" pabirong sabi nito kay Rachel,ngumiti nalang din si Rachel sa kanya bago lumingon sa akin.

"Celestina mauna na kami ha? Para makapag solo naman kaming dalawa ng maganda kong Girlfriend" pagmamalaki nya rito, taas noo pa ang gago habang naglalakad na palabas ng kwarto ko.

Bigla nalang tumahimik ng pumasok bigla sa isaipan ko ang katagang sinabi ni Annica sa akin.

"People Change"

Napalingon ako sa harapan ng bigla itong bumukas at sumilip doon ang isang Nurse,
"Maam ito po pala ang mga gamot nyo"sabi nito at lumapit sa akin.

"Magaling napo ang Allergy nyo,kaya ang ita-take nyo nalang na gamot ngayon ay para sa sakit nyo sa puso" sabi nito naguluhan naman din ako doon.

May gamot pala para sa sakit sa puso? Akala ko transplant lang ang meron?

"Tung gamot lang po na ito ay para maagapan ang mahirap na paghinga nyo hindi talaga ito ang gamot para gumaling ang sakit nyo Maam dahil wala naman pung ibang gamot para sa sakit nyo" sabi nito,tumango tango nalang ako sa kanya bago ininom ang gamot ko.

"Kailan pala ako pwedeng makalabas?" Tanong ko sa kanya,may tinitignan naman ito sa mga papeles na dala dala nito kanina pa

"Ahmm,bukas na bukas napo Maam ay pwede na kayong maka uwi sa inyo"

"Hayy salamat naman at ganon" sabi ko,hindi ko kasi matagalan ang ambience ng Hospital dahil pakiramdam ko anytime ay mawawala ako sa mundong ito.

Will You Be Happy, If I Die? (Completed)Where stories live. Discover now