Chapter 24

6.5K 300 12
                                    

I love you

"TRUTH or dare?"

Iiling-iling na kukunin ko na sana ang shot glass na naglalaman ng alak nang pigilan ako ni Leighton na medyo namumula na ang tenga.

Paano sa limang beses na tumapat sa akin ang bote at wala akong piliin sa truth or dare. Siya ang umiinom sa shot na para sa akin.

"Oy Rhims, di ka ba naaawa sa boyfriend mo? Mamili ka naman, wag kang kj..." nang-aasar na saad ni Trisha na diniinan pa ang salitang boyfriend.

Nagbungisngisan sina Anne at Fae sa sinabi ni Trisha na gusto kong sabunutan mula kanina pa.

"Insan, tigilan mo na sinasaktan mo ang puso ko!" nakangusong saad ni Migael na hindi pa rin natapos sa pagdadrama niya.

KJ akong matatawag kung hindi ako nakisali sa pambata nilang laro.

Gabi na at kanina pa walang pahinga ang mga 'to pero tila balewala sa kanila ang pagod at nagyaya pang maglaro.

Inagaw ko ang shot glass kay Leighton dahil baka tuluyan na siyang malasing kung hindi niya titigilan ang pagsalo ng inumin ko.

Huminga ako nang malalim. "Fine. Dare."

Pumalakpak si Trisha na parang bata na tila tuwang-tuwa sa sinabi ko. "Ayan dapat!"

"Just say the dare and I'm out of this game. I'm sleepy!" nagpanggap pa akong humikab kahit na ang totoo'y hindi pa ako inaantok.

"Hmmmm...kiss Klode for one minute then say I love you afterwards."

"Are you crazy?!"

Ngumisi si Trisha. "What? Anong masama sa dare ko? Even Migael here kiss Fae tapos ikaw na girlfriend hindi mo man lang mahalikan ang boyfriend mo?"

"That's our privacy!"

"Milabs--I mean Rhims, di naman sinabi ni Trish kung saan mo hahalikan si Klode eh."

Tumawa si Trisha sa sinabi ng pinsan niya. "Oo nga pala! Sa cheeks lang naman beshy, ayaw naman namin makakita ng live por--"

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang batuhin ko siya ng ice cubes na ikinatawa niya lang.

"Let's do this para makapahinga ka na." malawak ang ngiting saad ni Leighton na mukhang gustong-gusto ang dare ni Trisha sa akin.

Napailing ako at ginawa na lang ang gusto nila. Hinalikan ko siya sa pisngi at nagsimulang magbilang sina Trisha.

"59..."

Lalayo na sana ako nang bigla niyang ipinaling ang mukha niya papunta sa akin at dampian ng halik ang labi ko.

Nagtilian sina Trisha habang ako naman ay hinampas ang katabi ko na ngumiti lang.

"Sorry...can't help it." bulong niya sa tenga ko. Itinulak ko siya at mabilis na kinuha ang shot glass at inilagok iyon.

Bigla akong nakaramdam nang pagkauhaw sa alak.

"Hey...you angry?"

Bago pa ako makasagot ay binato ako ng cornick ni Trisha. "Hindi pa tapos nasaan na iyong I love you?"

Sinamaan ko siya ng tingin pero hinarap ko rin si Leighton na mukhang na-guilty sa ginawa niya kanina.

"I'm not angry...silly." saad ko at pinitik ang noo niya.

Tumikhim ako nang magsitahimik ang lahat at hinintay ang sasabihin ko kay Leighton.

Pinakatitigan ko siya at bumukas-sara ang bibig ko pero walang salitang lumabas mula sa akin.

Falling Relentlessly (COMPLETED)Where stories live. Discover now