Epilogue

15.6K 506 116
                                    

*** -That sign means the transition of the scene. Hope you won't get confused with this Epilogue for it contains their present and past.

You can share your thoughts for this epilogue via twitter or facebook. Mention me @JenpauPrincess use #FallingRelentlesslyEpilogue. Or tag me on facebook @JenMelendrez.

Gonna have a book giveaway soon. Follow me on my facebook account or page for more details: Jen Melendrez.

Miracle Nevaeh

"Kuya, pinabibigay ni Ate Alice."

Napahinto ako sa pagbubutones sa polo ko sa pagpasok ni Clarence na may dala-dalang katamtamang box.

Hindi pa rin maalis ang kaba sa puso ko sa magaganap ngayong araw na ito.

"Relax Kuya, everything is perfect today." nakangiti niyang saad at tinapik ang balikat ko bago ako iwan.

What is this?

Inangat ko ang takip ng kuwadradong kahon at tila nabawasan ang kaba ko nang makita ang blue necktie roon na bigay ng mapapangasawa ko. Kinuha ko iyon at puno ng galak na isusuot na sana iyon nang makita ang nakatuping papel na kasama noon.

Napaupo ako at pinagmasdan iyon. Tila mabibingi ako sa malakas na kabog ng puso ko.

What the hell are you thinking? Hindi iyan katulad ng unang sulat na naibigay niya sa 'yo! Open it!

Huminga ako nang malalim at kinuha iyon para basahin. Hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib ko.

Dearest Leighton,

Just last night I remember something...the letters that I wrote six years ago. What I gave you before wasn't the only letter that I wrote for you. But I never had the chance to give that to you. So for this special day, I wanted to give this letter to you.

First of, I wanted to say thank you. Nakailang ulit ko na ba 'tong sinabi? Pero uulit-ulitin ko 'to hanggang sa huling sandali ng buhay ko.

Thank you for saving me. For giving me reasons to live. For teaching me how to love myself.

Thank you for giving me another chance to be with you. Thank you for not giving up on me. Thank you for still loving me despite of everything that happened to us.

Thank you for accepting me despite of my tainted body and soul.

Thank you for healing my scarred heart.

Thru the darkest days of my life, it was you who gave me light. I can't imagine what my life would be without you, Leighton.

Hindi ko inakalang iyong batang nakilala ko noon ay makikita kong muli matapos ang matagal na panahon. Sa unang araw na nagtagpo ang mga mata natin sa university at nang marinig ko ang pangalan mo ay alam ko na.

Ikaw ang masungit na bata na si Leighton. Iyong batang sinusundan-sundan ko noon. Iyong kinatutuwaan kong bigyan ng tsokolate. Iyong batang naging kaibigan ko. Ang taong nagpapaalala ng masayang pagkabata ko.

Hindi ka kasama sa plano ko, Leighton. Masyadong komplikado ang buhay ko at hindi ko nanaising may madamay roon. Kaya ang pag-aaral at ang paglayo lang ang nasa isip ko. Pero binago mo ang lahat. Gaano ko man pigilan ang nararamdaman ko para sa 'yo, hindi ko nagawa.

You love me despite of my tragic past. Despite of my indifference.

You changed me into a person that I couldn't imagine that I would be. Isang babaeng nagmamahal. Matapos nang lahat ng sakit na ibinato sa akin ng tadhana, hindi ko kailanman naisip na magmahal. Kasi hindi para sa akin 'yon...because how can I love someone if I can't even love myself?

Falling Relentlessly (COMPLETED)Where stories live. Discover now