Chapter 35

6.3K 318 8
                                    

Memories

"Ahhhhhhh Keegan! I told you don't make pakealam with my things!"

"Ate Claudi, you owe me 200."

"What?!"

"You said the other day, 200 every conyo sentence that you'll say. Give me 200."

"I-I didn't mean it--"

"Pay him. A deal is a deal, baby."

"Daddy! Kasalanan ni Keegan, he made me say it!"

Hindi ko mapigilang matawa sa pagkukulitan ng mga kapatid at ama ni Leighton.

It's Sunday at tinanggap ko ang alok ni Tita Sky na dito kami mag-lunch ni Leighton.

"Pagpasensyahan mo na ang kakulitan ng mga 'yan, Alice." saad ni Tita Sky na ngiting-ngiti at malakas na ngayon.

Ngumiti ako. "Nakakaaliw nga po sila."

"Hay, I hope they stay that way. I can't imagine having a day na hindi ganito kaingay ang bahay." saad ni Tita Sky habang pinapanood na naghahabulan ang mga bata at si Tito Cloud.

It made me wonder anong pakiramdam na lumaki sa ganitong pamilya. Darating kaya ang araw na magiging ganito kami ni Leighton?

Nag-init ang pisngi ko sa naisip ko. Ano ba 'tong tumatakbo sa isip ko?

"Mukhang natatagalan si Leighton sa taas, why don't you follow him upstairs? Titingnan ko lang lunch natin kung tapos na lutuin."

"Po?" nagulat kong saad sabay lingon sa hagdan papanhik sa kuwarto ni Leighton.

Tumawa si Tita Sky. "May tiwala ako sa inyong dalawa, hindi pa ako ready maging lola ah."

"Ayos na po ako r-rito. Tulungan ko na lang po kayo." pinamumulahan kong saad.

"Nagbibiro lang ako, you should go upstairs at patatawag ko na lang kayo kay Yaya."

Hindi na ako nakahindi pa nang akayin ako ni Tita Sky papunta sa taas. Tila balewala lang kina Tito Cloud na papanhik ako at nagpatuloy lang sa pakikipaglaro sa kambal. Itinuro ni Tita Sky ang kuwarto ni Leighton kaya alangan man ay pumanhik na rin ako.

Napatigil ako sa magkakasunod na painting na nakita ko. Partikular sa painting ni Leighton.

I feel like I'm in a dream. Mabilis na lumipas ang apat na buwan at walang araw na hindi pinaramdam sa akin ni Leighton ang pagmamahal niya. He fulfilled his promise to create new memories with me.

Tuwing walang pasok ay kung saan-saan kami napapadpad. Minsan ay kasama sina Trisha pero madalas ay kami lang dalawa. Sa loob ng apat na buwan ay naranasan kong sumaya nang hindi iniisip kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

Unti-unting natatabunan ng mga masasayang alaala ang impyernong pinagdaanan ko sa mga nakaraang taon.

"Masama 'to. Masyado ka nang in-love sa akin na pati larawan ko napapangiti ka..." Nabalik ako sa realidad nang pumalibot ang braso ni Leighton sa bewang ko na hindi ko namalayang dumating pala.

"Mas mahal mo pa rin ako walang makakatalo sa 'yo." pakikisakay ko sa biro niya.

Who would have thought na masasabi ko ang mga bagay na 'to?

"Hmmmm, tama naman. I love you more than you love me..."

Inalis ko ang mga kamay niya sa bewang ko at hinarap siya. "No matter how much I say I love you, I always love you more than that." pinisil ko ang tungki ng ilong niya at tatawang-tawang iniwan siya papunta sa kuwarto niya.

Falling Relentlessly (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora