Chapter 29

6.8K 287 17
                                    

HAPPY NEW YEAR!!!

Dad

"DON'T overreact, you two...ayos lang ako. It's not as if I'll die in the operating--"

"Mom!"

"Wife!"

"Hay nako, mag-ama nga talaga kayo..." pagtawa ni Tita Skyleigh.

"Ma naman, please be serious. Hindi ito ang oras ng pagbibiro."

"Baby, ayos lang ako. I've experienced worst than this. I'm stronger enough to face this..."

Bumuntong-hininga si Tita Skyleigh at hinawakan ang kamay nang nanahimik na si Tito Cloud. "Hon, pwede bang kunin mo iyong laptop ko--"

"Wife! No work for the mean time. Rest. That's what you need right now."

"But meron akong deadline--"

"Ma, wag nang matigas ang ulo."

Hinalikan ni Tito Cloud si Tita sa noo bago nagpaalam na may bibilhin lang siya.

"Why don't you follow your Dad, Klode?"

Tumingin sa akin si Leighton kaya kimi akong ngumiti sa kanya.

"Don't worry about your girlfriend, Leighton. "

Saktong pagpinid ng pinto ay natapos ako sa pagbabalat sa mansanas na para kay Tita Skyleigh.

"Thanks, Alice..." saad niya nang iabot ko sa kanya ang platito.

"Do you want me to turn on the television, Tita?" tanong ko nang lumipas ang segundo ng katahimikan sa kuwarto.

Umiling siya. "I'm not really fond watching television..."

Bumuntong-hininga si Tita at iba na ang ekspresyon ng mukha niya kumpara kanina.

"Are you scared, Tita?"

"Halata na ba?" pilit ang pagtawang saad niya.

"I'm scared...for so many what ifs. What if magkaroon ng problema sa operasyon? What if hindi ko kayanin? What if I die? Paano na ang mga anak ko? Paano na ang asawa ko?"

I don't know how to comfort someone. So I don't know what to say. Nanatili lang akong nakaupo habang pinapakinggan ang tunay na saloobin ni Tita.

Inilabas ko ang panyo ko nang makita ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

"They're so lucky to have someone like you, Tita. Kasi imbes na sarili ninyo ang isipin ninyo, sila pa rin." hindi ko napigilang saad habang pinapahid niya ang luha niya gamit ang panyong iniabot ko.

"And I'm lucky too because I have them. Kaya kong masaktan kaysa sila ang mahirapan. So can you promise me something, Alice?"

"Ano po iyon?"

"Don't hurt him. My son. I can see that he loves you so much. And you know what they say, too much love can break you. I don't want that to happen to him dahil naranasan ko na iyon at ayokong mangyari iyon sa mga anak ko."

Hindi ako nakapagsalita at iniwas ang tingin sa ina ng lalaking mahal ko.

"I'm sorry, my bad. Hindi ko dapat iyon sinabi..."

Umiling ako, "Ako po ang dapat mag-sorry Tita, 'cause I can't promise it. Ayokong mangako ng isang bagay na baka hindi ko matupad."

Ngumiti si Tita at hinaplos ang buhok ko. "I like your honesty...Forget what I said. I should have known better. Walang pagmamahalan na hindi makakaranas ng sakit."

Hindi ko namalayan ang oras nang baguhin ni Tita ang usapan at inumpisahang ikuwento ang tungkol sa kabataan ni Klode.

Mga hilig at mga bagay na hindi niya gusto. Marami akong nalaman kaya kahit nang makatulog si Tita ay hindi nabura ang ngiti sa labi ko.

Falling Relentlessly (COMPLETED)Where stories live. Discover now