Chapter 39

6.3K 261 13
                                    

Leaving

Friday morning.

Tulala ako habang nakatingin sa kisame ng kuwarto ko. Hindi ako kumikilos kahit na ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang klase ko. Ramdam ko ang pamimigat ng ulo sa kakulangan ng tulog. Napakahirap ng mga nakalipas na araw.

Ang pag-akto na ayos lang ako kahit ang totoo ay tila ako isang kandila na unti-unting nalulusaw. Ilang beses ko na nga bang tinangkang umalis na lang sa gitna ng gabi? Pero hindi ko magawa. Dahil ayoko pang iwanan si Leighton. Sapat na sa akin ang ilang sandaling pagkikita namin sa mga nakalipas na araw dahil busy siya para sa debate competition na sasalihan niya.

Alam ko ang pakiramdam nang maiwan. Iyong pakiramdam na paulit-ulit mong tatanungin sa sarili mo kung anong mali sa'yo. Kung anong dapat mong gawin para hindi ka nila iwan. That's what I felt when my father left me. When my mother abandoned me.

Ganoon din ba ang mararamdaman ni Leighton sa pag-alis ko?

Kukuwestiyonin niya rin ba ang sarili niya?

Bumangon ako at inabot ang bag ko para kunin ang papel at ballpen.

Tinitigan ko lang iyon. Hindi ko alam kung anong isusulat ko para man lang kahit paano ay maintindihan niya kung bakit ko kailangan umalis.

Pero ano pang magiging silbi ng mga salita ko? Kailangan ko pa bang ipaintindi kung anong dahilan ko. Hindi ba mas makakabuti sa kanya kung mas pipiliin kong maging masama sa paningin niya. Sa ganoong paraan, ay makalimutan niya ako. Magiging isang masamang alaala na lamang ako sa buhay niya.

Nanginginig na sinimulan kong magsulat.

Life is so cruel to me...just when I thought that my life would change, this happened. Maybe this is my destiny. A never-ending tragedy.

Nang matapos sa sulat ay itinupi ko iyon at ginawang bookmark sa isa sa mga paborito niyang librong ipinahiram sa akin. Ipinasok ko iyon sa bag ko iniisip kung sa paanong paraan ko ibibigay sa kanya.

Aayusin ko na sana ang mga gamit ko pero natagpuan ko ang sarili kong sumusulat ng panibago. Mahaba kumpara sa nauna kong ginawa. Pero napangiti ako nang mapait dahil wala akong planong mabasa niya ito. Mananatili ito sa akin. Tinupi ko iyon at inilagay sa wallet ko.

"Rhima gurl, tanghali na! Hindi ka ba papasok?"

Tumikhim ako at binalingan si Trisha na pumasok na naman ng kuwarto ko nang walang paalam.

"My gosh! Iyong eyebag mo nakakaloka. Haggard na haggard ka, may problema ka ba?"

Umiling ako at tumayo na. "Insomnia," malamig kong tugon.

Umismid siya, "Ayan na naman ang malamig pa sa yelo mong boses pero kapag si Klode kausap mo--"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at iniwanan na siya para magtungo sa banyo. Sumunod siya sa akin na mukhang nagtataka sa ikinikilos ko.

"Minsan talaga, napapaisip ako kung may DID ka, paiba-iba ang mood mo gurl these past few days. Okay ka lang ba talaga?"

Hindi ko na siya pinansin pa at tuluyan na akong nagtungo sa banyo.

***

"WHERE are you?"

"On my way to class," sagot ko sa kabilang linya. "Ikaw? Nandyan na ba kayo sa Xavier?"

"We're here, magsisimula na rin iyong debate in five minutes," walang malalakip na nerbyos niyang saad.

"I see... goodluck Leighton,"

Falling Relentlessly (COMPLETED)Where stories live. Discover now