19th League: Revelations

192 12 0
                                    

19th League: Revelations

"NO WAY, Dad! Paano niya nagawa 'yon?" naluluhang tanong ni Iris.

"It is not our business, Iris. Please, keep your promise. 'Wag kang makikialam," mariing wika ni Mr. Jang.

"Pero, Dad..." Iris cried.

"I know your intention is pure, honey. But it's not for us to handle. Listen to me, anak. Stop crying." Mr. Jang wiped his daughter's tears.

Nanlulumong pumasok ng AU si Iris nang araw na iyon. She was frustrated. She felt like she had to do something but she knew her father was right. It was not and never will be her business. The best thing she could do was to keep her ass off someone else's problem.

Si Ryland. Alam kaya ni Ryland ang tungkol sa kaniyang ama?

Walang pumasok sa kokote ni Iris tungkol sa mga pinag-aralan nila sa araw na iyon. She couldn't keep her mind off the revelation she was just made aware of. Ryland probably knew about it. How about that person? Did he know about it? Because of all people, he was the very person who deserved to hear the truth.

Wendell Ferrer was Travis's father.

Wala siyang sapat na ebidensya para suportahan ang kaniyang nalalaman pero alam niya sa sarili niyang totoo ito. The resemblance of Travis's smile to Ryland's. It took her awhile to notice that because Travis had facial hair.

At ang pinakanagpatindi ng suspetya ni Iris, ang mga berdeng mata ni Mr. Ferrer. She was taken aback when she saw those eyes. Isang tao lang ang kilala niyang may ganoong mga mata. Si Travis.

Alam niyang tama ang kaniyang ama. Dapat ay hindi siya makialam sa mga nangyayari but her instinct just wanted otherwise, she had to at least do something. Kinuha niya ang bag niya at dali-daling lumabas ng room. Her friends were calling her but she left nonetheless.

Kailangan niyang makausap si Travis. Kailangang malaman ni Travis ang totoo. Tinawagan niya ang binata at sinabing puntahan siya sa Quadrangle. She stayed there, waiting for Travis. She was feeling uneasy. Para bang may krimen siyang nagawa at sobrang guilty siya.

When she saw Travis jogging his way towards her, mas lalo lamang siyang hindi napalagay.

"Iris, bakit ka napatawag? May problema ba?" Travis asked.

"Travis, let's cut classes. I need to talk to you. Please," Iris said.

"H-Ha? T-Teka... Saan naman tayo pupunta?" naguguluhang tanong ng binata. Iris was the least person he had in his mind cutting classes.

"Anywhere... Please." Travis looked at Iris thoroughly. He felt how bothered the lady was. Kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan ito.

Wala naman silang ibang napuntahan kaya nagpasya na lang si Travis na dalhin si Iris sa kaniyang bahay. Iris was just quiet the whole time. Kahit na nararamdaman ng binata na marami itong gustong sabihin sa kaniya, nanatili lamang na tahimik ang dalaga.

Nang makauwi sila ay agad niyang inalalayan paupo si Iris sa sofa. Tinapatan niya ito ng electric fan at lumuhod siya sa harap ng dalaga.

"Ngayon, sabihin mo sa 'kin. Anong problema, Iris?" seryosong tanong ni Travis.

"Travis... Tell me," ani Iris bago ito biglang naluha. Hindi alam ng binata kung ano ang nangyayari. Hinawakan niya ang pisngi ni Iris at pinunasan ng hinlalaki niya ang luha nito.

"Bakit ka umiiyak, Iris?" nag-aalalang tanong ng binata.

"Tell me, Travis. British ba talaga ang tatay mo?" tanong ni Iris habang lumuluha.

Definitely Out of his League | published under Ukiyoto PublishingWhere stories live. Discover now