05

1K 26 3
                                    

" And then the big monster came out of the closet and scared the kid!" I heard Liam's familiar voice in the kitchen. Andito ako sa kanila as promised. Syempre bumabawi ako sa inaanak ko.

" Tapos?" rinig kong sabi ni Tita Donna.

" What happen to the kid?"

" The kid got scared. Tapos grandma, the kid became a robot!"

" That's one cool dream." sabi ko. Napalingon sila sa akin and Liam instantly gave me a gummy smile.

" Ninong!" he said sabay talon mula sa bar stool at takbo sa akin. I gave him a hug saka pa ginulo ang buhok niya.

" Good morning, little guy." sabi ko

" Hi po, Tita. Good morning."

" Good morning, ihjo. Halika. Join us for breakfast. Anong gusto mo? Coffee? Tea? Juice?"

" Juice na lang po." sagot ko saka na kami naglakad papunta sa bar counter ni Liam. Pinaupo ko na siya sa upuan at tumabi naman ako sa kanya. Tita Donna gave me my plate and utensils saka na ako hinyaang kumuha ng pagkain.

" Ang aga mo ata?" aniya

" Eh naisip ko po kasing Sunday ngayon tita. may school po si Liam bukas so di po siya pwedeng late matulog. Kaya inagahan ko na lang po para masulit naman namin yung araw na to." sabi ko

" Sabagay. Oo nga pala. Liam we'll attend mass later." paalala ni Tita Donna sa kanya

" Ivan. Sama ka na."

" Sige po." sagot ko saka na kumain.

" Ninong, can we play after the mass?"

" Oo naman. Tita, dun pa din po ba kayo nagsisimba sa St. Paul?"

" Oo nak, dun pa din."

" Ah. Sige po." sabi ko. Lumingon ako kay Liam and I caught him staring back at me.

" Yes?"

" Ninong, I don't like garlic in my rice." kunot noong sabi niya habang nakatingin sa fried rice na nakahain.

" You know what? I hate garlic in my rice too." sabi ko. Natawa si Tita Donna sabay kuha sa bowl ng fried rice.

" Nakalimutan na naman ni Manang Ana na ayaw ni Liam sa bawang. Hahahaha!" aniya sabay tawa

" Nako. M.A! Di ganun ha?" sabi ko kay Manang Ana na sumilip mula sa may pintuan ng dining area

" Ay nako jusko. Oo nga pala. Ayaw niyo nga pala ng bawang sa kanin. Di bale. Magluluto na lang ako ng iba." aniya at akmang magluluto na nang pigilan siya ni Tita Donna.

" Manang okay lang. Silang dalawa lang naman ang may ayaw sa garlic rice eh. May pancakes pa naman." ani Tita Donna sabay tingin sa amin.

" Oo nga naman M.A. Okay lang kahit di na kami mag rice ni Liam. Pampagwapo naman ang pancakes. Diba?" sabi ko naman saka lumingon kay Liam. He looked confused but nodded afterwards.

" Hay nako buti na lang talaga andito ka na ulit Ivan. May makakapagpakain na kay Liam ng breakfast." ani Tita Donna

" Bakit po tita? Di po ba nagbebreakfast si Liam?"

" Nasanay na di magbreafast kasi palagi namang wala ang mommy niya kapag nasa condo sila."

" You mean naiiwan po mag-isa si Liam dun?" tanong ko.

" Hindi. Minsan ako yung nagbabantay sa kanya pag walang trabaho. Minsan naman kung sinong available kanila Dennise at Therese."

" Eh ano po bang pinagkakaabalahan ni Maddie ngayon tita?"

Concealed TruthWhere stories live. Discover now