08

924 24 0
                                    

“ Seriously?!” tanong ni Tri. Tumango ako saka siya napatingin kay Liam na nakahiga lang sa couch at nanonood ng Justice League.

“ Kawawa naman pala talaga tong batang to.”

“ Sinabi mo pa. And the worst part is, Maddie doesnt seem to care if her son gets bullied.”

“ Hay nako. Ewan ko anong nangyari dyan kay Madeleine. Masyadong nilamon ng sistema ng boyfriend niyang mukhang kawayan na tinubuan ng tao.”

“ What does Groot do ba?” tanong ko.

“ Well, ang alam ko lang. Itong si Martian ay may-ari ng isang car shop. You know? Detailing, auto-repair and such things connected with cars.”

“ In other words Mekaniko. Tama ba?”

“ Hahahaha. Gago hindi. Siya naman yung medyo may class. Ang alam ko sikat sa mga drag racers yung shop niya.” ani Tri.

“ Alam ba ni Liam yung about sa boyfriend ng mommy niya?”

“ Ayaw nga nung bata dun sa Groot na yun eh.” sabi ko

“ Ninong, I want chicken.” narinig naming sabi ni Liam

“ Chicken? Okay dude. Magpapadeliver si ninong.” sagot ko.

“ Si Rex akala ko pupunta?”

“ Oo nga. Hinihintay niya lang si Threy. 1 hour lang naman yung interval ng arrival nila. Gusto daw makita ni Therese tong si Liam eh.”

“ Ah oh sige. Mag-oorder muna ako ng pagkain. Samahan mo muna si Liam dun.” sabi ko. Tumango si Tri saka na siya tumabi kay Liam sa sofa. Liam switched positions and laid his head on his Tito Tri’s lap at nagkwentuhan na sila habang nanonood. I decided to go to the kitchen at dun na ko tumawag para magpadeliver. After ko tumawag sa KFC ay nagtext ako kay Maddie. Di ko pa rin makalimutan yung sinabi niya kanina. Aba buhay dalaga siya ha.

Me:

Susunduin mo ba si Liam? Kung hindi magsabi ka agad. Hinihintay ka ng bata.

Maddie:

Cant make it. Andito pa ko sa Cavite

Me:

Try mo minsan ipasyal naman tong anak mo. Di puro ikaw ang gumagala dyan.

Maddie:

This is not a gala Ivan. This is work

Me:

Whatever floats your boat, Maddie. Di ka na lang sana nagbuntis kung ganyan lang din pala gagawin mo sa anak mo.

Hindi na siya nagreply pagkatapos nun. I don’t fucking care kung masaktan siya sa mga sinasabi ko. Her son needs her but she’s not there to give just even a fraction of her time.

“ Dude, deliveries here man. Got no money to cover for you.” rinig kong sabi ni Tri at natawa naman si Liam. Napailing na lang ako at nagpunta na sa front door.

“ Sir, 2 buckets of chicken po, fries and Zinger.” sabi ng delivery boy.

“ Okay. Thanks kuya.” sabi ko sabay baot ng bayad.

“ Keep the change.”

“ Thank you sir.” aniya saka na sumaludo at umalis na.

“ Liam, dinner’s here. Halika na kain ka na dito.” yaya ko sa kanya. Agad naman silang tumayo ni Tri at pumunta na sa dining area. Kumain na kaming tatlo and we let Liam enjoy his meal.

Concealed TruthNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ