WE MET AGAIN

751 18 14
                                    


CHAPTER 2

---❤❤❤---


Hindi ko alam pero para akong baliw dito sa may beach at pairit irit, wala lang gusto ko lang ilabas yung feels ko

like DUH! nakita ko kaya yung one of my dreams.

Hindi ko alam kung maniniwala ako na nakita ko talaga siya oh nababaliw na lang talaga ako?

"Beshh kamustaa?"yun agad bumungad sakin pagkasagot ko sa phone ko

"OYYY kamo may chika akooo"sabi ko sa kanya

Aayy wag na pala muna kasi baka mag histerical si Myra at mas maganda mag kwento sa personal

"Ano yun Besh?"tanong niya

"kamusta na ung tatlong kapatid ko?"

"Huh? tatlo? may isang kapatid ka ba na di ko kilala? dalawa lang nandito si Jin at RM lang"naguguluhang sabi niya kaya napatawa ako ng malakas

"Charot lang ikaw yung isang kapatid na tinutukoy ko"

"Sus napaka cheesy mo naman besh"tukso niya sakin

"Kamusta na ba ang mga kapatid ko?"

"Okay naman mga napaka seryoso besh hindi ko mabiro mga binata na e"

"Hehe ganiyan talaga ang mga yan.. pag tiisan mo na lang, mabilis lang naman ako dito"

"Hindi naman kita pinag mamadali girl.. enjoy mo lang yan, saka wag mo ng pag iisipin ang mga kapatid mo kasi nasa mabuting kamay sila"sabi ni Myra sa nakakalokong tono

"Duda ako"sagot ko sa kanya

"Loka! ang sama mo ahh.. cge na bbye na girl hanap mo na lang ako Jowa diyan bye"tas binabaan na ako

Jowa? eh ako nga wala siya pa kaya

Nagutom na ako kaya bumalik muna ako sa resort at kumain. Tapos tamang stroll lang ako ulet hanggang sa mag gabi na

---

Inabot na ako ng hapon ng d nakakapag swimming? wala ba naman ako ginawa kundi ang mag isip at mag imagine habang nag lalakad lang.. yung parang d ako napapagod.

Inisip at binalikan ko lang lahat ng mga pinagdaanan ko.. namin ng mga kapatid ko..

Nung nawala ang mga magulang namin hindi ko alam ang gagawin kasi wala naman kaming pwedeng lapitan wala kaming nakilalang mga kamag anak.
Naalala ko may time na wala kaming makain ng mga kapatid ko kaya nagtitiis ako na d kumain para may makain pa ang mga kapatid ko sa susunod lalo na si Jin ang hilig hilig niyang kumain..
Na sa tuwing nakikita ko sila na nakatingin lang sa mga kaklase nila na may mga bagong laruan at mga mamahaling gamit naiiyak na lang ako kasi hindi ko maibigay yung mga pangangailangan nila.
Kinukwestyon ko ang sarili ko kung mabuti ba akong ate.
Mga panahong kailangan na ni RM ng tuition tapos naaksidente pa si Jin, hindi ko alam kung san ako kukuha ng pera na parang lahat ng pwede kong lapitan nilapitan at inutangan ko na...

Umabot kami sa punto na parang mas madali pang mamatay na lang kami ng sabay sabay kesa magutom at maghirap lang na labanan ang buhay..

HATDOG IS THE KEY | COMPLETEDWhere stories live. Discover now